• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

16 SAKAY NG FISHING BOAT NAILIGTAS

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 indibidwal sakay ng nasiraang fishing boat na ginamit para sa paghahatid ng mga bisita para sa “Unveiling Ceremony of the Historical Marker”  sa Homonhon island kaugnay sa ika-500 anibersaryo ng “First Circumnavigation of the World” ngayong araw.

 

 

Ayon sa PCG,nasiraan ang makina ng  FBCA Bencor sa baybayin sa pagitan ng Manicani at Homnhon Island sa Guiuan,Eastern Samar ngayong umaga.

 

 

Mabilis namang nagdeploy ng tatlong rubber boats ang PCG upang tulongan at mailipat  ang mga pasahero sa BRP Suluan (MRRV-4406) na nagsilbing maritime security vessel sa nasabing aktibidad.

 

 

Nasa maayos namang kalagayan na nakarating sa Homonhon Island ang mga bisita.

 

 

Kabilang sa narescue sina  Congressman Maria Fe Abunda ng Lone District Eastern Samar at Borongan City Mayor Jose Ivan Agda.

 

 

Nagpasalamat naman sila sa PCG sa agarang aksyon at pagtitiyak sa kanilang kaligtasan sa gitna ng hindi magandang nangyari sa kanilang paglalayag sa karagatan.

 

 

Ayon kay Abunda at Agda,ang insidente ay nagpapaalala sa kahalagahan ng coast guards lalo na sa pagliligtas ng buhay  at pag-aari sa karagatan.

 

 

Dahil dito, nangako rin sila na susuportahan ang pagtatayo ng coast guard station Eastern Samar sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo at lot donation. (GENE ADSUARA)

Other News
  • OPS, tiniyak ang patuloy na serbisyo gamit ang aprubadong 2023 budget

    NAGPAHAYAG nang pasasalamat ang Office of the Press Secretary (OPS)  sa Senado sa pag-apruba sa panukalang P1.04 billion budget para sa taong  2023.     Sa Facebook post, pinasalamatan ng OPS  ang Kongreso para sa pagsisikap nito na tiyakin ang maayos at mabilis na pagkakapasa ng panukalang  2023 national budget upang makayanan ng administrasyong Marcos […]

  • PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor sa presyo ng bigas

    NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na hahabulin ng pamahalaan ang  mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season  sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong President […]

  • MORE THINGS TO LOOK FORWARD TO IN “BLUE BEETLE,” ACCORDING TO FILMMAKERS

    While we’re all excited to hear our very own Inka Magnaye voice the Scarab in the Philippine release of “Blue Beetle,” there are many other things to look forward to about the all-new Super Hero movie from Warner Bros. Pictures and DC. Read on to find out what “Blue Beetle” filmmakers think will get moviegoers […]