16M bakuna, inaasahan ng Pilipinas na darating sa second quarter ng 2021
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng gobyerno ng Pillipinas na darating sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna sa bansa.
Sinabi ni Vaccine “czar” Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa buwan ng Hunyo.
“So bago po matapos po ang buwan ng June, ine-expect po natin na mayroon na po tayo sa ating inventory na 20,514,000 doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi.
Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 7,571,000 doses mula sa iba’t ibang brands.
Sa nasabing bilang, 4,009,880 ang naipamahagi na sa 3,410 vaccination sites sa buong bansa.
Aniya pa, ia-adopt ng pamahalaan ang “focus and expand” strategy na nakatuon sa “centers of gravity” sa bansa.
“Itong center of gravity po na ito, ito po ‘yung tinatawag natin na economic centers at the same time ito po yung mga vulnerable areas,” paliwanag ni Galvez.
“So pagka na-address po natin, na-strengthen natin ang ating vulnerabilities, at the same time we strengthen our economic strength. ‘Yun po ang center of gravity po natin,” dagdag na pahayag nito.
Kabilang sa “focus areas” ay ang National Capital Region, kalapit-lalawigan na Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.
Mayroon din aniyang apat na clusters ang “expansion areas”, ang grupong ito ay:
Group 1: Region 3, Region 4, Cagayan de Oro, Baguio City at Zamboanga City
Group 2: Bacolod, Iloilo, General Santos City, Iligan, Region 7 at Region 11
Group 3: Region 10, Region 6, Region 8, Region 9, Region 2 at Cordillera Administrative Region
Group 4: Region 5, Region 1, Region 12 at Caraga (Region 13)
Ang tinatawag na focus area ay tatanggap ng steady supply ng mga bakuna.
Sa pamamagitan ng bagong estratehiyang ito, layon ngayon ng pamahalaan na mabakunahan ang 58,680,803 adults, o 70 percent ng 83,829,719 adults.
Mas mababa aniya ito sa initial target na 70 million, o 2/3 ng populasyon ngayong taon.
Paliwanag pa ni Galvez na initial target pa lamang ito, kung saan ay depende sa global vaccine supply.
“Ito po ginagawa po natin, dahil kasi ang nakita po natin, ang pinakamain variable po natin is ‘yung ang ating global supply. Kung maganda ang ating global supply, wala pong problema. Ang inyo pong sinasabi na kailangan po nating bakunahan ang ating lahat ng ating mga mamamayan, babakunahan po natin until such time na hanggang children puwede po nating bakunahan,” ani Galvez.
“the government aims to reach its target to inoculate between 58 million to 70 million by November 2021, and the total population of 110 million by the second quarter of 2022,” dagdag na pahayag ni Galvez. (Daris Jose)
-
Ads September 14, 2021
-
Malalang korapsiyon sa Pilipinas
UNANG pumutok ang korapsiyon sa ating bansa matapos ipahayag ni Senator Manny Pacquiao na diumano’y talamak na ito sa ating pamahalaan at ito’y trumiple pa kumpara sa nakalipas na administrasyon. Agad naman ito pinabulaanan ng kaslukuyang pamahalaan, anila ang naturang Senador ay namumulitika lang dahil sa kanyang political ambition kasabay ng isang hamon na pangalanan […]
-
James, nilait-lait ng netizens at wala na ang ‘star quality’
MAGKASAMA sina Nadine Lustre at James Reid sa taping ng 2020 ABS-CBN Christmas Station ID na titulong ‘Ikaw ang Liwanag at Ligaya’ na malapit nang mapanood. Sa photos nila na lumabas, maraming netizens ang nag-react sa dating magkasintahan at maraming nanglait sa hitsura ni James na nawalan na raw ng ‘star quality’. Ayon […]