• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malalang korapsiyon sa Pilipinas

UNANG pumutok ang korapsiyon sa ating bansa matapos ipahayag ni Senator Manny Pacquiao na diumano’y talamak na ito sa ating pamahalaan at ito’y trumiple  pa kumpara sa nakalipas na administrasyon. Agad naman ito pinabulaanan ng kaslukuyang pamahalaan, anila ang naturang Senador ay namumulitika lang dahil sa kanyang political ambition kasabay ng isang hamon na pangalanan ang mga sangay ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian at agad nila itong aaksyunan.

 

 

Makalipas ang ilang buwan ay agad naglabas ang Commission on Audit (COA) ng mga sangay ng pamahalaan na umano’y may irregularidad sa paggamit ng kanilang pondo. Ilan dito ay ang Department of Health (DOH)   at Department of Budget and Management (DBM). Ayon sa COA, bilyon -bilyong piso ang umano’y hindi nagamit ng maayos  o kaya naman ay over-price transaction. Napakalaking halaga na sana ay nagamit ngayong panahon ng pandemic. Kung saan ay marami ang nagugutom, walang trabaho at walang pambayad ng mga bills tulad ng kuryente at tubig. Totoo na walang malinis na pamahalaan sabi nga sa wikang banyaga ” You can’t erradicate corruption but it can be minimized.”

 

 

Ang isyu ng korapsiyon ay patuloy na lala kung ang isang pamahaalan ay bulag at inutil sa pag-aksyon laban sa katiwalaan. Na sa halip gumawa ng imbestigasyon ay puro pagtatakip at depensa sa mga government agencies na nadadawit sa irregularidad ayon na rin sa pahayag ng COA. (MANY MALDONADO)

Other News
  • Suspendido ang operasyon ng LRT 1 sa Nov. 28

    Hinto muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa November 28 dahil sa gagawing paglilipat sa bagong signaling system ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC).       Hindi lamang sa November 28 kung hind isa darating na Jan. 23 at 30 ay hinto rin muna ang operasyon ng LRT1 upang […]

  • Pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management program sa Navotas, pinaigting

    SA hangarin na palakasin ang kanilang ecological solid waste management (ESWM) program, pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Mother Earth Foundation (MEF) at ang Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR).     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco […]

  • Mga senior citizens, pinayuhan na mag-doble ingat

    PINAYUHAN at pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga senior citizen na dagdagan pa ang ginagawang pag-iingat kasunod ng nakitang datos ng DOH sa hanay ng mga nasa critical cases.   Batay kasi sa pinakahuling numerong inilabas ng DOH, tumaas kasi ang porsiyento ng mga pasyenteng nakahanay sa critical status.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]