17 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa P.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 17 hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na dalagita na na-rescue sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela Cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Kaagapay Road, Brgy., 188, Tala na nagresulta sa pagkakaaresto kay Tricia Janina Bala, 23.
Nakuha kay Bala ang tinatayang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na nasa P204, 000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 genuine bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, at gray sling bag.
Alas-5:10 ng madaling araw nang madakma din sa buy bust operation sa Florencia St. Brgy. 71, sina Elian Argote, 32 at Maciste Dulap, 34. Narekober sa kanila ang nasa 15 grmas ng hinihinalang shabu na nasa P102,000 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.
Sa Malabon, natimbog naman ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa 4th St., Brgy. Tañong alas-4:20 ng madaling araw sina Elena Gososo, 60, Babyvie Feliciano, 30, Mary Grace Francisco, 41, Andie Lacson, 41 at Charles O’neal, 26.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 14 grams ng hinihinalang shabu na nasa P95,200.00 ang halaga at P500 marked money.
Kalaboso rin sina Jeson Torres, alyas “Bato”, 37, Mark Albert Laurenciano, alyas “Tattoo” 32, at Gilberto Condeno, 37 matapos makuhanan ng nasa 9.1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,880.00 at P500 marked money sa buy bust operation sa Atis Road, Brgy. Potrero alas-9:30 ng gabi.
Bandang alas-2 ng madaling araw nang madamba din sa buy bust operation sa Hasa-Hasa St. Brgy, Longos si Robert Travello, 30, Irene Manangan, 43 at Wilfredo Abayan. Nakuha sa kanila ang nasa 11.7 grams ng hinihinalang shabu na nasa P79,560.00 ang halaga at P500 marked money.
Sa Valenzuela, nasakote din ng Valenzuela Police SDEU team sa pangunaguna ni PLT Doddie Aguirre sa buy bust operation sa Sitio Kabatuhan St., Compound 1, Brgy., Gen. T De Leon dakong alas-4:30 ng madaling araw si John Jefferson Berza alyas “Noy”, 22, miyembro ng “Rodriguez Drug Group” at kasabwat nitong 15-anyos na dalagita.
Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa kanila ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na na nasa P102,000.00 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 17 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at coin purse.
Habang nasamsam naman ng kabilang teamng SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo kay Jayson Gonzaga, 22, ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga, P500 marked money, P300 cash at cellphone matapos matiklo sa buy bust operation sa A Bernardino Ext., Brgy., Ugong dakong alas-6 ng umaga. (Richard Mesa)
-
Hugh Jackman’s Wolverine to Return in ‘Deadpool 3’, Ryan Reynolds Confirmed / Cast and Filmmakers from “AMSTERDAM” Celebrate Film’s World Premiere
ARE you excited to see Deadpool and Wolverine together in one film? Ryan Reynolds officially announced the return of Hugh Jackman as Wolverine in his upcoming film Deadpool 3. In a video, Reynolds made a simple announcement video– one in stark contrast to Deadpool‘s outrageous plots and sequences– where the actor teased his […]
-
HEART, negative sa COVID-19 pero dumaraan naman sa matinding anxiety na epekto ng quarantine
NASA bansa na si Heart Evangelista at bilang pagsunod sa protocol, kailangan nitong mag-quarantine ng sampung araw. Wala raw siyang COVID-19 pero, dumadaan daw si Heart sa matinding anxiety dahil hindi raw talaga niya kinakaya ‘yung nakakulong lang siya sa isang lugar at mag-isa ng matagal. Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit […]
-
Bagong strain ng COVID-19 binabantayan ng DOH
Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang nai-report na bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom na nagresulta upang magpatupad ang iba pang European countries ng restrictions sa mga biyahe mula sa UK. “According to Research Institute for Tropical Medicine (RITM), wala pa silang nakikitang bagong strain na mayroon dito sa ating bansa, based […]