• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong strain ng COVID-19 binabantayan ng DOH

Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang nai-report na bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom na nagresulta upang magpatupad ang iba pang European countries ng restrictions sa mga biyahe mula sa UK.

 

“According to Research Institute for Tropical Medicine (RITM), wala pa silang nakikitang bagong strain na mayroon dito sa ating bansa, based on their monito­ring,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na hindi nagpapabaya ang DOH at patuloy nilang tututukan ang development ng coronavirus sa ibang bansa para makapaghanda agad ng aksyon ang pamahalaan.

 

Siniguro rin ni Vergeire na walang panga­ngailangan upang magpatupad ng mas istriktong travel restrictions dahil ang pinapayagan lamang sa bansa ay ang pagpasok ng mga diplomats, indibidwal na may negosyo sa Pilipinas at mga Filipino citizen.

 

Mas pinalakas din naman aniya nila ang mga hakbang na kanilang mga ipinatutupad sa pagsusuri at quarantine sa mga boarders ng bansa.

 

Nitong Sabado ki­numpirma ng UK government na may bagong strain ang sakit. Tinawag itong “VUI – 202012/01,” na unang natukoy noong Setyembre.

 

Bagama’t wala pang ebidensya na mas nakakamatay ang bagong strain ng coronavirus, pinaniniwalaan namang mas nakakahawa ito ng hanggang 70%. (ARA ROMERO)

Other News
  • No. 5 most wanted person ng Valenzuela, nalambat sa Laguna

    HINDI na nagtagal sa pagtatago ang isang binata na nakatala bilang No. 5 most wanted sa Valenzuela City matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Cabuyao, Laguna, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Chirre Gard David alyas Jay R Roxas […]

  • Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert

    BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan […]

  • Ex-cycling star Lance Armstrong ikinasal sa long-time GF

    IKINASAL na ang dating cycling star na si Lance Armstrong sa kanyang longtime girlfriend na si Anna Hansen.     Sa kanyang social media ay nagpost ito ng mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.     Ang 50-anyos na si Armstrong ay nanalo ng Tour de France ng pitong taon na magkakasunod mula 1999 hanggang […]