• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

18-anyos British tennis player Raducanu naibulsa ang 1st US Open title matapos talunin ang Filipina-Canadian na si Fernandez

Naibulsa ng teenager at British professional tennis player na si Emma Raducanu ang kanyang kauna-unahang US Open matapos talunin ang teenager din na Filipina-Canadian na si Leyla Fernandez.

 

 

Sa unang set nagkaroon nang adjustment ang dalawang teenage tennis rising star dahil hindi pa nila makuha ang kanilang momentum.

 

 

Dikit ang unang apat na set at naitabla pa ito sa 4-4, pero kinalaunan ay nakuha ng 5 foot 9 na si Raducanu sa 5-4 lead hanggang sa maabot nito ang 6-4 at naipanalo ang unang set.

 

 

Sa ikalawang set, nakalamang pa si Fernandez matapos iposte ang 2-1 lead pero naagaw ito ni Raducanu nang maitabla at iniangat pa sa 3-2 ang kalamangan.

 

 

Lalo pang ibinaon ni Raducanu ang Fil-Canadian nang maabot ang 4-2 at 5-2 lead.

 

 

Bumawi pa sa sunod na game si Fernandez pero hindi nagpatinag si Raducanu na tinapos ang laro sa 6-3 lead at naibulsa ang US Open title.

 

 

Sa US Open, kailangang maipanalo ang dalawang set na mayroong tig-anim na games para magkampeyon sa torneyo.

 

 

Ang Filipina Canadian na si Leyla ay ranked number 73 sa buong mundo, habang ang 18-anyos na si Raducanu mula sa Britanya ay pang-150 sa ranking.

 

 

Ang 19-anyos na si Fernandez ang pinakabatang manlalaro mula pa noong taong 1999 kung saan 17-anyos pa lamang noon na si Serena Williams, ay tinalo ang tatlo sa top-5 players sa isang major tournament.

 

 

Sa panig naman ni Raducanu, kabilang sa marami niyang record ang unang British woman na sumabak sa major singles final sa loob ng 44 na taon.

 

 

Ang ina ni Raducanu ay isang Chinese.

 

 

Samantala, sa panayam kay Fernandez na ang ina ay isang Pinay, labis daw ang kanilang pasasalamat sa mga Pinoy fans na nakaabang din sa kanyang mga laro.

Other News
  • Vietnam SEA Games organizers todo kayod para matapos ang mga playing venues

    NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.     Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.     Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My […]

  • Ads April 12, 2021

  • Priority Group A4 list, aprubado na

    INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa mga groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa […]