• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

18-anyos na Top 1 most wanter Navotas, timbog

ARESTADO ang isang 18-anyos na murder suspect na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Navotas City nang bumalik sa kanyang tirahan makalipas ang dalawang buwan pagtatago sa Navotas Fish Port Complex (NFPC).

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col Rolando Balasabas, alas-2:10 ng hapon nang isilbe ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/EMSgt Alvin Bautista ang arrest warrant na inisyu ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Judge Ronald Torrijos ng Branch 288 kontra kay Arnold Goma, 18, sa kanyang bahay sa BGA Compound, Navotas Fish Port Complex, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

 

Sinabi ni Col. Balasabas, ang naarestong suspek ay responsable sa pagpatay kay Rogel Illustrisimo noong December, 2019 sa pamamagitan ng pananaksak sa iba’t ibang parte ng katawan ng biktima.

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek na naging dahilan upang sampahan siya ng pulisya ng kasong murder matapos mabigong maaresto ng mga tauhan ng Follow-Up Unit.

 

Ayon pa kay Col. Balasabas, ang pinaigting na “Manhunt Charile” ay isinagawa matapos mag-isyu ang korte ng warrant of arrest kontra kay Goma na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya. (Richard Mesa)

Other News
  • MAVY at CASSY, secure na ang future dahil maayos na na-invest ang kinita simula noong bata pa

    NAG-POST ng isang topless photo ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa Instagram noong sunmapit ang 27th birthday niya.      May suot naman pantalon si Kim at bahagyang tinakpan niya ang kanyang malusog na dibdib.     Caption pa niya: “Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes […]

  • COVID booster para sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos, inaprubahan na ng DOH

    INAPRUBAHAN na ng Department of Health ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots para sa mga batang edad 12-17-anyos.     Ayon kay Dr. Nina Gloriani, ang head ng country’s vaccine expert panel na napirmahan na ni Health Secretary Francisco Duque ang approval at hinihintay nalang ang guidelines.     Sinabi ng doktor na ang mga […]

  • Agarang pagbabakuna sa lahat ng pulis sa QC iniutos ng mayor

    Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad.     Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay […]