Barriers para sa back-riding couples walang gamit, mapanganib pa
- Published on July 24, 2020
- by @peoplesbalita
Isang administration lawmaker ang hindi sangayon sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng riders at back-rider ng motorcycle na kung saan sinabi niyang ito ay walang gamit at mapaganib pa na gamitin.
“I just hope that the task force will just forgo its shield requirement. I don’t see any reason why a divider or a shield for couples who eat, sleep and even take a bath together would be required to comply with such,” wika ni Ang Probinsiyano party-list Rep. Ronnie Ong.
Ayon sa kanya hindi lamang walang gamit at impractical kund hindi maglalagay din ito sa panganib sa mga motorcycle riders at maaari pang makasagabal sa ibang motorists at pedestrians.
Sinabi rin ni Ong na ang dagdag na requirement na ito ay siya rin pinagsisimulan ng mga reklamo mula sa mga riders dahil ito ay maaari rin na pagsimulan ng extortion mula sa mga tiwaling traffic enforcers.
Nagkalat na sa facebook ang mga reklamo ng mga riders dahil sa di umanong ginagawang pangongotong ng mga traffic enforcers.
“Instead of physical divider or a shield being installed on motorcycles, I suggest that riders just be required to wear full-face helmets, face mask, long-sleeve shirts or jackets, long pants, gloves and closed shoes,” dagdag ni Ong.
Umaasa rin si Ong na mabibigyan ng pagkakataon ang iba pang miyembro ng pamilya ang sumakay sa motorcycle bilang back-riders subalit kinakailangan nilang mag comply sa mga health requirements protcols at mapatunayan nila na sila ay nagsasama sa iisang tahanan lamang. Sa ganitong paraan ay makakatulong din ito upang mabawasan ang mga commuters na parating stranded dahil walang masakyan.
Ayon pa rin kay Ong na kahit mahirap sa mga checkpoint personnel ang pag verify ng relationship ng mga motorcycle riders, ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases rin sana ay maging considerate sa mga sacrifices na pinagdadaanan ng mga motorista dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon ngayon General Community Quarantine (GCQ).
Sa ngayon, karamihan sa mga Filipinos ay gumagamit na rin ng bisikleta at motorcycles sa kanilang araw-araw na paglalakbay dahil na rin sa limitadong passenger capacity ng mga public transportation dahil sa ipinatutupad na health at social distancing protocols.
“Allowing motorcycle riders to ferry their family members is actually safer than compelling them to take public transportation along with complete strangers who are all potential coronavirus carriers” wika ni Ong.
Pinaalalahan din niya ang mga motorcycle riders na maging responsible sa kanilang pagtupad sa mga requirements na itinakda ng IATF habang binabalaan naman niya ang mga operators ng habal-habal na maaaring mag-take advantage sa bagong policy na ito. (LASACMAR)
-
Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub
INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9. Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of […]
-
50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA
Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19. Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), […]
-
Panibagong 1.5-M doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa PH
Dumating na sa Pilipinas ang 1.5-million doses ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa Chinese company na Sinovac. Bago mag-alas-8:00 ng umaga kahapon, Biyernes nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight ng Cebu Pacific na may lulan sa shipment ng mga bakuna. Ito na ang pinakamalaking shipment […]