187,000 pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, naalis na sa listahan
- Published on September 16, 2022
- by @peoplesbalita
INIULAT ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot na sa 187,000 pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naalis na.
Nagpaliwanag naman si DWSD spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang naturang bilang ay maituturing na graduate na bilang “non-poor.”
Lumalabas din na ang ilan sa mga bata sa listahan ay graduated na o umabot na sa higit 18-anyos at boluntaryong nag-waive sa kanilang mga slots bilang mga benipisaryo.
Sa kabila nito ayon kay Asec. Lopez magpapatuloy pa rin ang evaluation sa 4Ps National Program Management Office (NPMO) ito ay sa gitna na rin ng direktiba ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na pabilisin ang paglilinis sa listahan ng 4Ps.
Inaasahan din na lahat na mga munisipyo at siyudad ay makapagsumite ng status ng living conditions sa mga assigned household-beneficiaries.
Target ng delisting sa mga beneficieries na graduated na ay sa buwan ng Oktubre.
-
Ads January 15, 2022
-
Fajardo babalik na sa Season 46
Lalong lalakas ang tsansa ng San Miguel Beer na mabawi ang korona sa Philippine Cup dahil magbabalik-aksyon na si six-time MVP June Mar Fajardo. Nakakuha na ng clearance si Fajardo mula sa kanyang mga doktor para muling makapag-ensayo at makapaglaro sa susunod na season ng liga. Kaya naman asahan ang mabangis na Beermen […]
-
Pope Francis binigyang pugay ang mga mamamahayag na nasawi at nakulong
BINIGYANG pugay ni Pope Francis ang mga mamamahayag na nasawi o nakulong habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho at ipinagtatanggol ang malayang pamamahayag. Sa kanyang lingguhang mensahe sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi nito na nararapat na papurihan ang mga mamamahayag na matapang na iniuulat ang mga nangyayaring panghihimasok sa mga sankatauhan. […]