• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo babalik na sa Season 46

Lalong lalakas ang tsansa ng San Miguel Beer na mabawi ang korona sa Philippine Cup dahil magbabalik-aksyon na si six-time MVP June Mar Fajardo.

 

Nakakuha na ng clea­rance si Fajardo mula sa kanyang mga doktor para muling makapag-ensayo at makapaglaro sa susunod na season ng liga.

 

Kaya naman asahan ang mabangis na Beermen sa oras na muli itong tumuntong sa court sa pagbubukas ng PBA Season 46 sa Abril 9.

 

Sumailalim ang 6-foot-10 Cebuano sa ilang buwan na rehabilitasyon matapos magtamo ng leg injury habang nag-eensayo noong Pebrero 2020.

 

“We’re expecting him to play next conference or this season. Dr. George Canlas said may go signal na siya to play,” ani SMC sports director Alfrancis Chua sa prog­ramang The Chasedown.

 

Wala si Fajardo sa Clark bubble noong PBA Season 45 Philippine Cup.

 

Malaking kawalan ito na isa sa dahilan para mahubaran ng titulo ang Beermen na yumuko sa quarterfinals kontra sa Meralco.

 

Inaasahang madaragdagan pa ng puwersa ng Beermen sa susunod na season sa oras na makarekober si ace guard Terrence Romeo sa kanyang injury.

Isiniwalat ni Chua na malaki na rin ang improvement ni Romeo na nagpapagaling sa kanyang shoulder injury na inaasahang tuluyan nang gagaling sa oras na magbukas ang liga sa Abril 9.

Other News
  • 170,000 Pilipinong botante sa ibang bansa, nakaboto na–Comelec

    AABOT na sa 10% o katumbas ng 170,000 ng rehistradong Pilipinong botante sa ibang bansa ang nakaboto na ayon sa Commission on Election (Comelec).     Ayon kay Casquejo nasa kabuuang 76,745 katao na ang nakabboto sa Asia Pacific.     Nasa 13,462 overseas voters naman ang nakaboto na sa Europe, 83,450 Pilipino ang nakaboto […]

  • Accreditation ng City Garden Grand Hotel sinuspinde ng DOT

    Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng City Garden Grand Hotel sa loob ng anim na buwan.   Napatunayan kasing iligal na tumatanggap ng mga guests ang naturang hotel para sa leisure activities, kahit pa isa itong quarantine facility sa kasalukuyan.   Binawi rin ng DOT ang certificate of authority to operate ng […]

  • Panukalang patawan ng 12% VAT ang mga digital transactions lusot na

    Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng value-added tax (VAT) ang mga digital transactions sa bansa.   Inaprubahan ng komite ang unnumbered substitute bill na naglalayong amiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.   Ayon sa Department of Finance, karagdagang P10 billion (P9 billion mula sa mga nonresident, […]