• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19 bangkay sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu, nakilala na ng AFP

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng 19 sa 49 na sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane noong Linggo sa Patikul, Sulu.

 

 

Kabilang dito sina Major Emmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, First Lieutenant Joseph Hintay, Technical Sergeant Mark Anthony Agana, Technical Sergeant Donald Badoy, Staff Sergeant Jan Neil Macapaz, Staff Sergeant Michael Bulalaque, at Sergeant Jack Navarro mula sa Philippine Air Force.

 

 

Gayundin sina Captain Higello Emeterio mula sa AFP Medical Corps at First Lieutenant Sheena Alexandria Tato mula sa AFP Nurse Corps.

 

 

Nasawi rin sina Sergeant Butch Maestro, Private First Class Christopher Rollon, Private First Class Felixzalday Provido, Privates Raymar Carmona, Vic Monera, Mark Nash Lumanta, Jomar Gabas, Marcelino Alquisar, at Mel Mark Angana mula sa Philippine Army.

 

 

Nadala na rin ang labi ng 11 sundalo sa kani-kanilang bayan.

 

 

Habang ang labi ni First Lieutenant Tato ay ibinabiyahe na sa pamamagitan ng C295 aircraft at ang pito pang iba ay inihahanda para sa air at land transport.

 

 

Samantala, ayon naman kay AFP chief of staff General Cirilito Sobejana na patuloy pa sa pagtukoy ang militar para sa 30 bangkay na narekober sa crash site at kasalukuyang nasa Zamboanga City.

 

 

Nilinaw naman ni Sobejana ang bilang ng nasawi mula sa 50 ay nananatili ito sa 49 dahil nadoble lamang ang naunang pagbilang. (Daris Jose)

Other News
  • Alice Guo, nagulat umano sa sitwasyon ng kaniyang selda nang una nitong makita ayon sa BJMP

    NAGULAT umano si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo nang una niyang masaksihan ang sitwasyon sa seldang paglalagyan sa kaniya sa Pasig City Jail Female Dormitory, ayon yan sa Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP).     Sinabi ni Jsupt. Jayrex Bustinera, spokesperson ng BJMP, maliban rito ay wala na silang natanggap na negative […]

  • Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan

    SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.”       “We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral […]

  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]