• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 9th, 2021

BEA, ipinagtanggol ni JANUS sa patuloy na pamba-bash tungkol sa ‘loyalty’

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGTANGGOL ni Janus del Prado ang kanyang kaibigan na si Bea Alonzo na patuloy na bina-bash dahil sa ‘loyalty’ at sa ginawang paglipat sa Kapuso Network.

 

 

Kasama sa IG post ang isang quote na, “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.”

 

 

May caption ito ng, “Repost ko lang ulit para sa mga di makaintindi how loyalty works.

 

“Bago niyo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob yung tao, make sure na may utang na loob na kailangan tanawin.

 

“It’s not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasan siya ngayon. At kumita din naman sila ng malaki sa karera niya.

 

“Gratitude is given, not demanded. At ibinigay niya naman iyon.

 

“Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan namin magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin.

 

“Kikitid ng utak amputa. Balakayojan.”

 

Dagdag pa ni Janus, “PS: Ano kinalaman nung Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya yun Direk? Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob yun? Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya yun. Kung manunumbat make sure may karapatan manumbat. Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.

 

“Time! (mic drop) Chos.”

 

 

Marami namang netizens ang natuwa at humanga sa post na ito ni Janus at ilang sa kanila ay nag-comment ng…

 

 

“you only need one janus kind of friend in your life.”

 

 

“Very well said…. yan ang totoong kaybigan….. hindi mapanghusga bagkus malawak ang pag-iisip at marunong intindihin ang kapwa..…”

 

 

“Sobrang bayad na si Ms. B kung s utang n loob lang andami nya naipasok na Kita sa inyo nuh and sobrang professional n artist pa kaya well deserved nya sundin ang nasa puso nya. Mema lang.”

 

 

“Sana all may kaibigang handa kang ipagtanggol..”

 

 

“Swerte Ng mga friends mo sayo kse you fight for them.”

 

 

“Yung mga tao na kung makapag salita kala mo alam lahat nila ang kwento na parang nandoon rin sila sa situation ng inaakusahan nilang walang loyalty. Gusto nila mavalidate ung mga hanash nila kahit ang kikitid ng utak nila. nakakahiya kayo oy.”

 

 

“Tigilan na ang utang na loob na yan at di yan matatapos. Yan mga nag sasalita kay Bea, move on na kayo respetuhin ang decision ng artist nyo.”

 

 

“Haha tama Same same both of the parties have their fair share both nakinabang kumbaga,parang insurance lng yan kung San piling mo na maganda at good benefits don ka and beside good din yun na umalis sa lungga to explore
tama naman sinabi mo, dapt support lang wang pilitin sirain tao na nghahanap buhay.”

 

 

“Lakas makapanira nung iba. Lol.  Typical Filipino Crab Mentality. Kala mo naman si B ang nagpasara ng network nila kung makalait. Hayyyss.. well said Papi @janusdelprado.”

 

 

“Lodi @janusdelprado Gnagawan ba nila ng isyu pati si Basha? Lahat nlng yta ng Artista na ngsilipat tinawag nilang walang utang na loob. What do they think of them? Walang mga pamilyang need suportahan at pakainin? At mga walang pangarap para sa kinabukasan? Mga tao nga nman lalo na sa panahon ngayon..mukhang hindi lang lalong kumitid na ang mga utak mukhang nagkaubo pa sa utak nla..epekto po ba ng pandemic yarn??”

 

 

“It was a very sweeping statement” Kikitid ng utak nyo” but its true.Tarak sa dibdib sa mga basher na tard ng abs cbn.”

 

 

“Ang sarap lang ng may tagapagtanggol! Tunay na kaibigan!”

 

 

“This is the kind of friend you want.”

 

 

“Tama. I admire him for being a great friend.”

 

 

Of course, may nag-nega rin sa opinyon ni Janus, bakit daw ang hilig nitong makasawsaw sa isyu ni Bea.

 

 

Comment ng mga bashers…

 

 

“Pambansang sawsaw to si koya.”

 

 

“Kung kay bea manggaling, mas maingay. Mabuti nang may isang taong iimik para masampal naman ng other side of the story ang madla.”

 

 

“Sige defend pa kay Bea dahil sila rin naman ang mawawalan ng opportunities in the future. Bea will always survive e sila?”

 

 

“Close friend sila. They motivate and help each other. Don’t you have one?”

 

 

“Dami rin naman kayong nakikisawsaw sa desisyon ni Bea, nagpa-alam naman iyong tao ng maayos sa boss ng network niya dahil walang offer na work at contract sa kanya.”

 

“Eh, may malaking farm si Bea at may mga tauhan na rin siyang nag-tratrabaho sa kanya, hindi naman niya na hihintayin na mabaon siya sa utang at mawalan ng trabaho mga nagtra-trabaho sa farm niya.”

 

 

“Noted po atty Janus. Taga pag tanggol ni Bea si koya feeling ko may hidden feelings tong si Janus.”

 

 

“Pansin ko lagi nyang dinedefend si Bea. Ganun pala sila ka-close.”

 

 

“Eto na naman si sawsaw. Sino ba nagtatanong ng kanyang opinion?”

 

 

“Parang mas gusto ko si Janus kesa kay Dom. Ayiieee!”

 

 

“Daig pa jowa kung makadefend, know your place.”

 

 

“Ba’t ba to sawsaw ng sawsaw everytime may issue si Bea? Bodyguard ba to, attorney, or not so secret admirer?”

 

 

“Sawsaw din to kay Angelica. Lahat na lang sinawsawan.”

 

 

Sagot naman ng netizen, “Mabuting kaibigan lang sya. At least he always has the guts to defend Angge and Bea hindi katulad ng iba na quiet lang kasi takot na maapektuhan ang image.”

 

 

(ROHN ROMULO)

Netflix Gives A Glimpse Of Fuffy And Fream’s Unusual Relationship In ‘My Amanda’

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN her new film on Netflix, it looks like Alessandra de Rossi of Kita Kita and Through Night and Day will break our hearts once again.

 

 

Netflix finally unveiled the official trailer of My Amanda, giving us a glimpse of the chemistry between Alessandra de Rossi’s Amanda and Piolo Pascual’s TJ, best friends who are seemingly on the edge of falling in love with each other.

 

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=jyjUHhxT0xo&t=103s

 

 

My Amanda is a directorial debut of Alessandra de Rossi, while Piolo Pascual co-produced.

 

 

De Rossi described the film as a “gift” for Pascual, whom she credited for “turning my life around” when he produced her indie blockbuster Kita Kita.

 

 

Through this movie, Pascual previously said he is looking forward to sharing with viewers, “the feeling of being on the same journey with someone, and finding out what profound companionship can offer to the other.”

 

 

As the film’s brief synopsis teased, TJ and Amanda, a.k.a. Fuffy and Fream, share a friendship that seems so much more, but it isn’t love either. It then asks the question: What’s in between friendship and love?

 

 

Aside from the funny taunts exchanged by the two characters, the trailer also unveiled some of the emotional moments of the film. And considering the impact of her previous films, De Rossi will probably make us cry once again in My Amanda, this time with Piolo Pascual as her leading man.

 

 

The film will arrive on Netflix this July 15.

(source: clickthecity.com)

 

(ROHN ROMULO)

NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARA panatilihin ang kaligtasan ng mga konstituwents mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng paghihigpit sa mga papasok na biyahero na magmumula sa labas ng NCR Plus.

 

 

Ang paghihigpit ay applies sa essential at non-essential travels ng mga indibiduwal na magmula sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

 

 

Ang bibisita sa Navotas ay kailangan magparehistro sa s-pass.ph at magsumite ng mga dokumento tulad ng health declaration o medical certificate mula sa health office ng kanilang lugar na pinagmulan na nagpapatunay na ang mga biyahero ay hindi COVID patients o pinaghihinalaan o maaaring may kaso.

 

 

Kailangan din nilang magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR swab test, isang barangay cetificate na nagsasaad na hindi sila kinakailangang sumailalim sa quarantine o nakumpleto na ito, at ang buong address ng kanilang pupuntahan sa Navotas.

 

 

“The travel restriction is a precautionary measure to ensure that we will not suffer again another surge of COVID cases.  We saw an influx of cases and high transmission rates in places outside of NCR Plus. We need to implement additional safeguards to keep our people safe,”  ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ayon sa report ng OCTA Research, ang Navotas ay nakapagtala ng mababang number ng bagong kaso kada araw noong June 25 – July 1 kabilang sa Metro Manila cities.

 

 

Hanggang July 6, ang Navotas ay may kabuuang 11,088 COVID-19 cases, 10,619 ang mga gumaling.

Bulkang Taal pumutok uli, nagpakawala ng ‘phreatomagmatic burst’

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Habang nagpapatuloy ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal, siya ring pagpapatuloy ang pag-aalburoto nito noong Miyerkoles  sa pamamagitan ng isang “phreatomagmatic burst.”

 

 

Bandang 6:47 a.m. nang lumikha ng madilim na usok ang naturang burst 200 metro pataas mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa ulat ng Phivolcs, Huwebes.

 

 

Bago ang bagong pagputok kanina, limang phreatomagmatic na pagputok ang naitala sa magmula kahapon — na nagbuga ng usok na umabot hanggang 700 metro.

 

 

Sa nakalipas na 24 oras, nai-record ang 60 volcanic earthquakes, kabilang ang:

 

  • explosion-type earthquakes (5)
  • low frequency volcanic earthquakes (24)
  • volcanic tremor (21) na tumagal ng dalawa  hanggang apat na minuto,
  • hybrid earthquakes (10)
  • low-level background tremor na natapos kahapon ng 06:21 PM at muling nagpatuloy ng 09:52 PM

 

 

“Ibinuga ng Main Crater ang mataas na sukat ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na isang libo at limang daang (1,500) metro bago napadpad patungong timog kanluran,” dagdag ng state volcanologists.

 

 

“Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 11,397 tonelada kada araw noong ika-07 ng Hulyo 2021.”

 

 

Matatandaang libu-libo na ang inilikas mula sa probinsya ng Batangas at CALABARZON matapos ang mga pagputok, bilang pag-iingat.

 

 

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, patuloy pa rin ang validation ng bagong bilang ng evacuees sa ngayon. Gayunpaman, umabot na ito sa 6,585 ang apektado at 3,480 ang inilikas sa mga evacuation centers noong Lunes.

 

 

Inirerekomenda ngayon ng Phivolcs na ipagbawal ang sumusunod dahil sa mga pagputok:

 

  • pagpasok sa Taal Volcanbo Island at iba pang high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel
  • pamamalagi at pagpalaot sa lawa ng Taal
  • Pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan

 

 

Pinapaalalahanan din ang lahat na maaaring maganap ang mga sumusunod anumang oras sa naturang lugar:

 

  • biglaang malalakas na pagsabog
  • pyroclastic density currents o base surge
  • volcanic tsunami
  • ashfall
  • pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas

 

 

Enero 2020 nang huling itaas sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal, kung saan umabot hanggang Metro Manila ang ashfall na mapanganib sa kalusugan. (Daris Jose)

Federer nabigo sa quarterfinals ng Wimbledon

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Natapos na ang kampanya sa Wimbledon ni Swiss tennis star Roger Federer.

 

 

Ito ay matapos na talunin siya ni world number 18 Huber Hurkacz sa quarterfinal ng nasabing torneo.

 

 

Nakuha ng 24-anyos na Polish tennis star ang score na 6-3, 7-6(7-4) at 6-0.

 

 

Ito rin ang unang pagkakataon ni Hurkacz na makapaglaro sa quarterfinals ng Wimbledon.

 

 

Target kasi ng 39-anyos na si Federer na maging pinakamatandang manlalaro na makaabot ng semifinals ng Wimbledon.

 

 

Dahil dito ay naglaho na ang pangarap na siyam na Wimbledon title ni Federer

Skyway 3 toll fee simula na sa July 12

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3.

 

 

Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, magsisimula silang mangolekta lalo na para sa mga motoristang gagamit ng mas maikling distansya.

 

 

Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang SMC ng toll operating permit at notice na maaari na silang mangolekta ng toll fee para sa Skyway 3 simula sa darating na Lunes.

 

 

“We would start collecting toll on the new elevated expressway on July 12 using a revised toll fee matrix that is lower than the original proposed toll fees, particularly for motorists traveling shorter-distances. We were given a toll operating permit and a notice to start collecting toll by the TRB on Skyway Stage 3,” wika ng SMC.

 

 

Ayon sa SMC kanilang ilalagay ang final na aprubadong toll rates sa mga toll plazas at ipapaskil sa social media pages ng SMC infrastructure sa mga darating na mga araw.

 

 

Noong nakaraang March, ang TRB ay pinayagan ang provisional toll rates para sa Class 1 vehicles ng P30 mula Sta. Mesa papuntang Ramon Magsaysay, P105 mula Buendia hanggang Sta.  Mesa, P129 sa Ramon Magsasay papuntang Balintawak, at P264 naman mula sa Buendia hanggang North Luzon Expressway (NLEX).

 

 

Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon Ang ang bagong toll matrix na ginawa at pinayagan ng TRB na ipatupad ay isinaalang-alang ang pandemya at iba pang epekto sa ekonomiya at mamayan ng bansa.

 

 

Pinasalamatan niya ang TRB dahil sa tulong na binigay nito upang magkaron ng equitable na toll rates para sa mga motorista. Dahil sa hirap ng panahon ngayon sanhi ng pandemya, ang maliit na ginhawa para sa motorista ay malaki ang maitutulong.

 

 

Sinabi rin ni Ang na ang toll na makukuha ng SMC ay makapagbibigay sa kanilang kumpanya ng revenues na kanilang gagamitin upang masiguro ang tuloy-tuloy na magandang operasyon, pagpapanatili at ligtas na driving conditions sa nasabing expressway.

 

 

“The tolls that SMC will collect would provide the company revenues to ensure continued efficient operation, maintenance and safe driving conditions on the elevated expressway. The toll rates also reflect SMC’s deferral of the collection of a substantial amount of the cost to build the Skyway 3 project,” dagdag ni Ang.

 

 

Dahil sa dami ng gumagamit ng expressway, ang maintenance cost ay lumalaki. Sa ngayon, mayron itong 200,000 na sasakyan ang gumagamit araw-araw at may 75,000 na motoristang di na dumadaan sa EDSA at C-5.

 

 

Ang SMC ang siyang gumastos sa nasabing proyekto na nagkakahalga ng P80 billion na walang government funds o guarantees at ito ay naging doble mula sa original cost upang makumpleto lamang ang proyekto.

 

 

Dahil sa hindi agad nagawa ang pangongolekta ng toll fees, nagpatong-patong din ang pagkalugi ng Skyway 3 kung saan ito ay binuksan partially noong nakaraang December at nagbukas ng tuloy-tuloy noong January.

 

 

Sinabi din ng SMC na kanilang agresibong tinapos ang Skyway 3 kahit na ang daming balakid tulad ng problema sa right-of-way at pandemya dahil kailangan ng mga mamayan ng isang pangmatagalan solusyon sa trapiko. Naniniwala rin si Ang na makakatulong din ito upang mapalakas ang ating ekonomiya at ng magkaron ng isang tuloy-tuloy na paglalakbay mula sa North at South Luzon.

 

 

Ang Skyway on-and off-ramps na ngayon ay bukas na ngayon July ay ang mga sumusunod: Buendia SB Exit at NB Entry; Quirino NB at SB Exit; Plaza Dilao SB Entry; Nagtahan SB at NB Exit; E. Rodriguez SB Exit; Quezon Ave. SB Exit at Entry; Quezon Ave. NB Exit at Entry; A. Bonifacio NB Exit; NLEZ NB Exit at NLEX SB Entry. (LASACMAR)

Manhunt vs nagpupuslit, nagbebenta ng bakuna

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpalabas ng  manhunt operation si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga nasa likod sa pagpupuslit at ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.

 

 

Ayon kay Eleazar, makikipag ugnayan ang CIDG sa lahat ng police units upang matukoy ang mga responsable  sa ilegal na bentahan at gawain.

 

 

Nilalagay umano ng mga ito  sa panganib ang buhay ng  bawat indibiduwal.

 

 

“Paalala lang natin sa publiko na mapanganib iturok ang mga smuggled na bakuna dahil lumalabas na peke ang mga ito. Imbes na makakuha tayo ng immunity mula sa sakit ay lalong maging dahilan ito ng ating kapahamakan”, dagdag pa ng PNP chief.

 

 

Maging ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health ay kanila na ring naabisuhan para sa kanilang operation laban sa bentahan ng  smuggled na vaccine.

 

 

Mahigpit na ipinagbaba­wal ang paggamit ng CO­VID-19 vaccine hangga’t walang approval para sa emergency use ng  FDA.

 

 

Binigyan diin ni Eleazar na peke ang mga vaccines na nakuha mula sa tatlong naaresto ng NBI kamakailan.

 

 

Paalala nito sa publiko, walang bayad ang vaccine dahil ito ay vaccination program ng pamahalaan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pacman, hahabulin ng gobyerno sa P2.2 bilyong hindi binayarang tax

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HAHABULIN ng pamahalaan ang P2.2 bilyon pa ring utang sa buwis ng boxing icon at Senador Manny Pacquiao.

 

Sa PDP-Laban meeting ay nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aalamin niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung ano na ang estado ng utang sa buwis ni Pacquiao.

 

“Mayroon akong.. he has a tax evasion case.. P2.2 billion na hindi niya binayaran ang gobyerno lahat ng kanyang laban.. maraming away niya.. Sa isang fight.. P2.2 billion … kunin ng BIR yan.. so dito.. I remember that.. I try to find out.. may utang siya ng P2.2 billion,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Sinabi pa ng Pangulo na kung malala ang korapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon gaya ng pinalutang ng senado ay biglang sinabi nito na “kung corrupt kami.. eh ikaw nag-cheat ka sa government . Isa kang corrupt officials lalo na.”

 

Muli inulit ni Pangulong Duterte na ipapa-check niya ang bagay na ito.

 

Matatandaang taong 2014 nang mariing pinanindigan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na halos P2 bilyon pa rin ang utang sa buwis ng boxing icon at noon ay Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

 

Ito ay sa kabila nang pagbayad ni Pacquiao ng P32 milyon sa BIR kamakailan.

 

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, pinal na ang kanilang computation na P2.2 bilyon ang tax deficiency ng dating kampeon.

 

Binigyang diin ni Henares na ang ibinayad ni Pacman ay kabayaran lamang sa value added tax (VAT) surcharges na bahagi ng utang sa buwis ng kongresista para sa taong 2008 at 2009.

 

Napag-alaman na una nang nagpalabas ang BIR ng “warrant of distraint and levy” laban sa mga bank account ni Pacman dahil sa hindi pagbayad ng tamang buwis.

 

Dahil sa nasabing kautusan ay hindi maaaring magamit ni Pacquiao ang kanyang pera sa mga bangko na sakop ng nasabing direktiba.

 

Iginiit naman ni Pacman na nagbayad siya ng tamang buwis mula sa kaniyang mga laban kay Ricky Hatton, Oscar de la Hoya, David Diaz at Miguel Cotto sa Estados Unidos, na may inisyu pa aniyang dokumento ang kanyang promoter na Top Rank na isinumite sa BIR para patunayan na naibawas ng US Internal Revenue Service ang buwis mula sa kanyang kinita.  (Daris Jose)

4 na lungsod sa NCR nabakunahan na ang kalahati ng populasyon

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.

 

 

Nangunguna rito ang San Juan City kung saan mayroong halos 70,000 sa populasyon nito o 81.5% sa lungsod ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

 

 

Sumunod ang Maynila na mayroong mahigit 55 percent o katumbas ng mahigit 440,000 sa 800,000 na target nilang mabakunahan.

 

 

Nasa pangatlong puwesto naman ang Navotas na mayroong mahigit 52% na kanilang residente ang naturukan ng vaccine o katumbas ito ng mahigit 79,000.

 

 

Pang-apat naman na nakapagtala ng mahigit kalahati ng mga residente na nabakunahan sa unang dose ay ang Mandaluyong na mayroong 50.9 percent o mahigit 165,000.

 

 

Magugunitang isa ang lungsod ng Maynila na mayroong record na nabakunahan na 350,000 na residente sa loob lamang ng isang araw.

 

 

Limang lugar na rin ang inaasahan na maabot ang 50 percent na target sa susunod na linggo at ito ay ang Las Pinas, Paranaque, Pasay, Muntinlupa at Quezon City.

 

 

Tiwala naman ang Manila City Government at Quezon City government na maabot ang herd immunity sa buwan ng Setyembre.

Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results

Posted on: July 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na.

 

 

Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination card’ ng mga fully-vaccinated na tu­rista sa mga hangganan base sa IATF Resolution No. 124-B.  May mga kumontra dito dahil sa wala umano silang kakayahan na berepikahin ang pagiging tunay ng mga vaccination cards.

 

 

Ayon sa DOH, kiniki­lala nila ang pag-aalala ng mga lokal na pamahalaan kaya magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at ng League of Pro­vinces of the Philippines upang plantsahin ang resolus­yon.

 

 

“In any case, what remains is the flexibility of the LGUs to implement testing and quarantine protocols for interzonal travel,” ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.

 

 

Pangunahing pag-uu­sapan ay ang paglikha ng mga paraan para maberepika ang pagiging totoo ng mga ‘vaccination cards’ na maaaring pekein ng publiko.