• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE

MAHIGIT  19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa  National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng 48 internet gaming licenses (IGLs) sa kabisera ng rehiyon.
Karamihan sa mga manggagawa ay sumasahod ng tinatayang aabot sa halagang P16,00/ Hanggang P22,000 ay naka-empleyo sa ilalim ng administrative task, e coding, Hr, liaison, marketing, finance, IT, housekeeping gayundin ang drivers at security guards.
Noong nakaraang linggo, inulit ng DOLE na handa itong magbigay ng tulong sa mga Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban.
Kabilang sa mga interbensyon ng DOLE na ibigay sa mga apektadong empleyado ay ang TUPAD program, livelihood projects, at isang specialized job fair, dagdag ni Trayvilla.
Ang job fair ay isasagawa sa Oktubre 10, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay sa Pasay City. Hindi bababa sa 70 employer ang inaasahang lalahok sa kaganapan.
Ang pagbabawal sa POGO sa bansa ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address. GENE ADSUARA 
Other News
  • Alden at Gabbi, hinirang na Best Actor at Best Actress

    MALAPIT nang manganak sa kanyang third baby si Andi Eigenmann.     Sa kanyang latest post sa social media, nilantad ni Andi ang kanyang nine month baby bump. Excited ang aktres dahil baby boy ang isisilang niya ngayong 2021.     “And just like that, I’m at 36 weeks!! Holiday festivities kept us busy, since […]

  • Speaker Martin Romualdez tiniyak na suportahan ng House of Representatives ang AFP modernization program

    TINIYAK ni House Speaker Martin Romualdez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na susuportahan ng House of Representatibes ang pagsusulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ito ang naging pahayag ni Speaker sa isinagawang HOR-AFP fellowship series (Visayas leg) kasama si AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino. Binigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan […]

  • Disaster response ng NDRRMC, LGUs, at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, dapat na scientific, innovative -PBBM

    SINABI ni President Ferdinand Marcos Jr. na dapat na ibase sa science-based innovation ang disaster response ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     “It has become imperative that our Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) system undergoes continuous improvement to address evolving circumstances. It includes our individual obligation to follow proactive, […]