• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,943 traditional jeepneys balik kalsada

Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit ang mga jeepney drivers ay kinakailangan  gumamit ng QR or quick response code.

 

Ito ay isang special barcode na maaaring i-down load mula sa LTFRB website. Gagamitin ang QR codes ng mga jeepney drivers upang mapadali ang road enforcement at upang malaman na kung ang sasakyan ay pinapayagan na magsakay ng mga pasahero.

 

“We also require jeepneys to have a personal passenger insurance policy and to pass inspections proving roadworthiness,” ayon sa LTFRB.

 

Ang mga operators ay kinakailangan din na sumunod sa mga health at safety protocols na binigay ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

Habang ang buong Luzon ay nasa ilalim ng ECQ, ang lahat ng modes ng transportasyon ay pinahinto noong March upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nang nagkaron na ng mas relax na GCQ noong June 1, selected public transportation lamang ang pinayagan tulad ng P2P buses, trains, ride-hailing services at bicycles. Subalit limited passenger capacity lamang ang maaaring sumakay dito.  LASACMAR

 

Other News
  • PBBM, lumipad na patungong Washington para palakasin ang ugnayan hinggil sa food security, economy at energy

    LUMIPAD na si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng LInggo, para isakaturapan ang kanyang misyon na magpanday ng mas malakas na ugnayan sa Estados Unidos pagdating sa larangan  ng food security, digital economy, energy security, at climate change.  Sa kanyang departure speech sa  Villamor Airbase, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pagbisita sa […]

  • Fajardo alalay lang sa pagbabalik-PBA

    HINAY-HINAY lang muna ang kilos sa kanyang pagbabalik ni June Mar Fajardo sa 46th PBA Philippine Cup 2021 na magbubukas sa Abril 9 dahil sa minor operation sa infection ng fractured tibia kamakailan.     Ito ang ibinunyag nitong isang araw lang ng matagal ng mentor ng six-time PBA MVP na si Atty. Baldomero Estenzo. […]

  • Sec. Roque, nagpaalam na bilang tagapagsalita ni PDu30 at ng IATF

    NAGPAALAM na si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na iiwan nito ang kanyang posisyon para harapin ang hamon sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador.   Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Sec. Roque na ito na ang huling araw na tatayo siya bilang tagapagsalita ng Pangulo at tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF).   […]