Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime
- Published on April 3, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos kay Marbil na “You have my full confidence and my full support, as you begin to champion a police that is pro-God, pro-country, pro-people, pro-environment. Let us work closely with you in addressing emerging threats, such as cybercrime, terrorism, and transnational crimes.”
Sinabi pa ng Chief Executive na kailangang tiyakin ng PNP ang “highest standards of professionalism” at magbigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mga mamamayan.
“Let us now ensure that the PNP will be agents of progressive transformation in the lives of our people by ensuring the safety and well-being of every community in the land,” dagdag na wika nito.
Nasungkit ni Marbil ang pinakamataas na posisyon sa PNP matapos na opisyal ang pagreretiro sa serbisyo si General Benjamin Acorda, ngayong araw ng Lunes, Abril 1, tatlong buwan matapos na I-extend ni Pangulong Marcos ang kanyang termino.
Bago pa itinalaga si Marbil bilang hepe ng PNP, itinalaga muna ito bilang officer-in-charge ng Directorate for Comptrollership ng institusyon.
Nagsilbi rin si Marbil bilang police director of Eastern Visayas.
Araw ng Linggo, inanunsyo ng Malakanyang na itinalaga si Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta bilang PNP officer-in-charge habang nakabinbin ang pag-exit ni Acorda subalit hindi naman nagtagal ay kaagad naman siyang pinalitan ni Marbil, kung saan ang designasyon ay inihayag sa seremonya sa PNP headquarters sa Camp Crame at pagkatapos ay nanumpa sa tungkulin sa kaparehong event.
Si Marbil ay pang-30 hepe ng PNP.
-
US investments sa Pinas papalo sa $763-M ngayong 2023
PAPALO sa $763.74 million ang magiging investment ng Estados Unidos ngayong 2023 sa oras na maisakatuparan ang Marcos trip pledges. Kapag nangyari ito, nakikita na tatlong beses ang itinaas ng investment noong nakaraang taon. “If the pledges generated by President Ferdinand Marcos Jr. during his last visit to the country come […]
-
GET READY TO SEE A MORE SERIOUS AND DARKER SIDE OF CRIME IN “I, THE EXECUTIONER,” THE NO. 1 MOVIE IN KOREA
“VETERAN,” hailed for redefining Korean detective action in 2015, returns this year with “I, the Executioner.” The sequel follows veteran detective Seo Do-cheol (played once again by Hwang Jung-min) and his unwavering team, now joined by rookie officer Park Sun-woo (played by Jung Hae-in), as they pursue a serial killer whose actions have […]
-
Rehistradong SIM cards, 99.5 milyon na
UMABOT na sa higit 99.5 milyon ang bilang ng mga rehistradong SIM cards sa bansa. Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Linggo, nabatid na hanggang 11:59 PM ng Hunyo 15, 2023, ang total number ng SIM registrants ay umabot na sa 99,505,222. Sa naturang bilang, 47,024,431 ang subscribers ng […]