• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19th Grand Slam: Djokovic nagkampeon sa French Open matapos talunin si Tsitsipas

Nagkampeon sa French Open tennis si Novak Djokovic.

 

 

Ito ay matapos na talunin niya si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa score na 6-7 (6/8), 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 at makuha nito ang ika-19th Grand Slam sa loob ng apat na oras at 11-minutong laro.

 

 

Ang 34-anyos na Serbian player ay unang tao sa loob ng 52 taon na makuha ang apat na major sa magkakaibang okasyon at pangatlo sa kasaysayan.

 

 

Siya rin ang unang player na nanalo ng Slam title ng dalawang beses sa pamamagitan ng pagbangon mula sa dalawang set na pagkatalo sa parehas na torneyo.

 

 

Kailangan lamang nito ng isang major title para maitabla ang naitalang 20 major titles nina Roger Federer at Rafael Nadal.

 

 

Sinabi nito na isang panaginip at pinakamahirap ang kanyang panalo ngayon dahil sa magaling ang kaniyang nakalaban.

Other News
  • Ads March 28, 2023

  • May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1

    TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines  (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28.   Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa […]

  • COVID tests sa mga players, refs pinadadagdagan ng NBA

    Inabisuhan ngayon ng NBA ang 28 mga NBA cities na magpatupad ng dagdag na COVID tests matapos na magpositibo ang 16 na mga players.   Sa pinaikot na memo ng liga, hiniling sa mga teams na humanap din ng local testing centers kung saan gaganapin ang mga laro.   Hangad ng NBA na makahanap ang […]