Indemnity agreement, hindi lang para sa Pilipinas kundi pambuong mundong kasunduan-Malakanyang
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
ITINANGGI ng Malakanyang na tanging ang Pilipinas lang ang bansa na hinihingan ng mga vaccine manufacturers ng indemnification agreement.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nakasaad aniya sa COVAX Facility na sadyang kailangang magkaroon ng kasunduan sa panig ng COVAX, mga gumagawa ng mga bakuna at ng mga bibigyan ng COVAX na talagang kinakailangang magkaroon ng indemnity agreement.
Ito ang pagbibigay ng danyos na babalikatin ng pamahalaan at hindi ng manufacturer sakali’t makitaan ng side effect ang isang nabakunahan.
“Nakasaad po iyan sa COVAX Facility na kinakailangan magkaroon ng ganiyang kasunduan sa panig ng COVAX, ng mga gumagawa ng mga bakuna at ng mga bibigyan ng COVAX ‘no, na talagang kinakailangan magkakaroon ng indemnity agreement na magbibigay ng danyos kapag mayroong side effect ay iyong gobyerno at hindi po iyong manufacturer ‘no. Bagama’t talaga pong mas maingat sila pagdating sa Pilipinas dahil sa karanasan nila sa Dengvaxia,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Aniya, mas maingat ang mga manufacturers pagdating sa Pilipinas dahil sa naging kontrobersiya tungkol sa Dengvaxia na bagama’t nabigyan ng General Use Authorization ay naharap ang Sanofi sa mga iba’t ibang mga kaso na kumalat sa mga drug manufacturers sa buong mundo.
Hindi naman nila maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas.
“Alam nyo naman iyong mga drug manufacturers na iyan… eh hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ‘no at alam nila iyong naging karanasan ng Sanofi dito sa Pilipinas sa Dengvaxia na bagama’t ito ay given General Use Authorization eh nakaharap sila sa mga iba’t ibang mga kaso ‘no. Bagama’t na hindi lang po FDA ng Pilipinas ang nagsabi na General Use Authorization na iyan kung hindi pati na po ang WHO ‘no.
So siyempre hindi natin maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Kapangyarihan ng Senado sa pagbawi sa anumang tratado, iginiit
SUMUGOD sa Supreme Court ang limang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anumang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA). Dakong ala-1:30 kaninang hapon nang ihain ng abogado ng Office of the Senate President ang naturang petisyon o ang […]
-
Mas maunlad na ekonomiya, asahan sa Alert Level 1
NANINIWALA si Taguig Mayor Lino Cayetano na sa paglalagay sa Alert Level 1 sa Metro Manila ay hindi lamang new normal ang dapat asahan, kundi ang mas mainam na kinabukasan para sa ekonomiya. Maibabalik aniya, ang buhay ng ekonomiya, kahit hindi naman agad-agad basta magtiwala lamang ang mga kababayan, Dapat aniya, na maging […]
-
Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo
SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17. Para kay Mao Ning, spokesperson […]