• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1k na newly-hired contact tracers, magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo- Usec.Malaya

TINATAYANG 1,000 newly-hired contact tracers ang magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na mahigit sa 10,000 ang nag-apply bilang contact tracers kung saan mahigit 2,000 applications naman ang in-assessed ng DILG.

 

“Doon sa 5,754 na idedeploy natin sa National Capital Region ay 2,696 na po ang na-assess natin at more than 10,000 po ang nag-apply,” ayon kay Malaya.

 

“We expect siguro by this week mayroon nang magsisimula na magtrabaho sa contact tracers, around 1,000 ay makakatapos na ng kanilang training na isasagawa ng DILG at Local Government Academy,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, nagkaroon ng kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagkuha ng contact tracers sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng Memorandum of Agreement (MOA) ay ang makakuha ng may 6,000 contact tracers na naglalayong makatulong para pigilan ang pagkalat ng nakakahawang Covid-19 sa bansa.

 

“Naniniwala ang pamahalaan na ang contact tracing ay isa sa pangunahing paraan para pigilan ang pagtaas ng bilang ng nahahawa mula sa sakit na Covid 19 sa ating bansa,” ayon kay Bello.

 

Sinabi niya na may kabuuang P280,714,644 pondo mula sa 2021 General Appropriations Act budget ng DOLE ang gagamitin para sa kukuning 5,754 manggagawa na magtatrabaho bilang contact tracer.

 

Sa ilalim ng kasunduan, kukuha ang DOLE, sa pakikipagtulungan ng DILG at MMDA, ng mga manggagawa na magtatrabaho bilang contact tracer para sa programang TUPAD upang madagdagan ang kasalukuyang bilang ng contact tracer sa bansa.

 

Sa kabilang banda, ang DILG ang mangangasiwa sa pagbuo ng selection committee na siyang kukuha ng contact tracer para sa programang TUPAD.

 

Samantala, naatasan ang MMDA na tumulong sa pamamahagi ng impormasyon sa pagkuha ng TUPAD contact tracer, bantayan ang implementasyon ng proyekto, at tumulong sa pamamahagi ng wastong impormasyon ukol sa proyekto.

 

Una dito, nagdesisyo ang DOLE na ilipat ang programang TUPAD sa contact tracing para tulungan ang lokal na pamahalaan na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19.

 

Ang TUPAD ay isang safety net program ng DOLE para sa mga manggagawa sa informal sector, partikular iyong mga nagtatrabaho sa kanilang pamilya at hindi nakatatanggap ng sahod; at iyong mga self-employed na manggagawa na may mababang kakayahan na naglalayong tulungan sila mula sa epekto ng pandemyang Covid-19. (Daris Jose)

Other News
  • Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños

    NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos.     Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker […]

  • 100 mga stranded na OFWs sa Bahrain, nakauwi na sa Pilipinas – DFA

    Nakauwi na mula sa bansang Bahrain ang nasa 100 na mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs).     Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa bansa ang mga nasabing mga OFW noong Enero 1, 2022 sa isang special repatriation flight.     Sasailalim naman sa isang facility-based quarantine ang mga bagong dating […]

  • Ads November 17, 2022