• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 arestado sa patalim at shabu sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng patalim at shabu sa isinagawang anti-criminality operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Danilo Dela Paz, 53, construction worker ng Obando, Bulacan at Christopher Joseph, 43 ng Woodland, Malanday.

 

 

Base sa ulat ni PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality operation (Oplan Bakal) ang Sub-Station 6 pangunguna ni PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Armando Delima, kasama ang mga tanod ng Brgy., Malanday nang sitahin at beripikahin nila ang mga suspek na nag-iinuman sa loob ng 3SML Eatery/KTV Bar sa kahabaan ng Mc Arthur Highway, Malanday.

 

 

Sa halip na makinig, mayabang na sumigaw umano ang mga suspek at hindi sumunod kay PSMS Santillan na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito dahil sa paglabag sa Art. 151 of RPC.

 

 

Nang kapkapan, narekober ni PSMS Santillan kay Dela Paz ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, patalim, coin purse, ID at P160.00 cash habang nakuha naman ni B/T Jeffrey Viray kay Joseph ang isang patalim at tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, Article 151 of RPC at BP 6 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines. (Richard Mesa)

Other News
  • Brownlee sabak agad sa Gilas training

    MATAPOS ang ilang araw na pahinga, balik-ensayo na si Gilas Pilipinas natura­lized player Justin Brownlee para paghandaan ang FIBA Asia Cup Qualifiers sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.   Nasilayan na sa ak­syon si Brownlee sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kung saan kasama nito ang iba […]

  • NBA draft inilipat sa Nov. 18

    Itinakda sa November 18 ang 2020 NBA draft.   Ito ay para may panahon pa sila para kumpirmahin ang pagsisimula ng susunod na NBA season.   Ayon sa NBA, ang revised date ay mabibigyan nang karagdagang panahon para sa pagsasagawa ng 2020 pre-draft process, pagkuha ng iba pang impormasyon tungkol sa pagsisimula ng 2020-21 season. […]

  • Travel ban sa Macau at HK, ‘partially lifted’ na

    Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong.   Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III.   Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong […]