• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 arestado sa shabu sa Valenzuela at Navotas

Dalawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang rider ang arestado ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas city.

 

 

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 12 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Staion 3 sa pamumuno ni P/Major Joebie Astucia sa kahabaan ng Magsaysay St. Brgy. Marulas nang parahin ni PSSg Salvador Estaris Jr. si Glenn Santos, 28, ng 55 Reyes Compd, Marulas na sakay ng isang itim na Mio motorcycle na may plakang 8926XV.

 

 

Gayunman, tumanggi umanong makipagtulungan at pumalag pa ang suspek kaya’t inaresto siya ni PSSg Estaris at nang kapkapan ni PCpl Reynold Panao ay nakuha sa kanya ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinanalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga.

 

 

Bukod dito, natuklasan din ng mga pulis na walang driver lincense ang suspek habang nagmamaneho ng motorsiklo.

 

 

Samantala, ayon naman kay PSMS Nemesio “Bong” Garo, dakong 1:30 ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ni Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ang natanggap na report hinggil sa umano’y riot sa Palengke St. Market 3, Brgy. NBBN, Navotas.

 

 

Pagdating sa lugar, nagtakbuhan ang mga tao subalit, bumangga sa patrol mobile ng mga pulis si Florence Reyes, 30, stevedore at nahulog mula sa kanyang kanang kamay ang isang plastic sachet ng hihinalang shabu dahilan upang arestuhin ito. (Richard Mesa)

Other News
  • Sinas, handang patunayan na karapat-dapat siya sa posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulong Duterte

    HANDANG patunayan ni bagong Philippine National Police chief Major General Debold Sinas na karapat-dapat siyang maging pinuno ng PNP.   Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kanyang pagkakatalaga bilang pinuno ng Pambansang pulisya.   Sinabi ni Sinas sa Laging Handa press briefing na marami na siyang napagdaanang posisyon bago marating ang pinaka mataas na puwesto sa […]

  • Converge import Diallo nakabawi sa koponan para talunin ang NLEX 102-91

    BINUHAT ni Cheick Diallo ang Converge FiberXers para talunin ang NLEX 102-91 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.       Nagtala si Diallo ng 37 points at 18 rebounds at maitala ang tatlong panalo at dalawang talo na ng Converge.     Ikinatuwa ni Converge coach […]

  • Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din

    Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (CO­VID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH).     Noong Biyernes […]