• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 Azkals stars sinusulot ng Thailand

Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL).

 

Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan nagtapos ang kanilang koponan sa 3rd place.
Maging ang teammate ni Gayoso na si Mar Vincent Diano ay may offer din sa Thailand.

 

“I got two or three teams in Thailand wanting to sign Jarvey Gayoso, wanting to sign Diano,” ani Cooper. “The Thai teams watched the games and they said they like to see him in an attacking midfield role where I think he finished off the season quite well.”

 

Nang tanungin kung anong team sa Thailand ang kumukuha sa dalawang Pinoy, sinabi lang nito na: “Good teams.”

 

Isa ang Thailand sa may pinakalukratibong football  leagues sa Southeast Asia kung saan ilang Azkals players ang naglalaro kagaya nina Patrick Deyto, Patrick Reichelt, Carli De Murga, at Amani Aguinaldo.

Other News
  • DA, pinalakas ang pagsisikap kontra agri goods wastage

    PINAIGTING ng  Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong  zero sa  minimal wastage para sa  agricultural commodities sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga  industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa  kanilang produksyon.     […]

  • 3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon

    Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city.     Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang […]

  • BBM binati na nina Biden, Xi

    NAGKAUSAP at binati na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden.     Kinumpirma ng White House na binati si Marcos ni Biden matapos ang tagumpay sa nakaraang halalan.     Nakasaad din sa statement na binanggit ni Biden ang kahalagahan nang pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Amerika habang nagtutulungan […]