• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 babae na miyembro ng ‘Anakbayan’ sumuko sa Valenzuela police

KUSANG loob na sumuko sa pulisya at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang babaing miyembro ng makakaliwang grupong ‘Anakbayan’ sa Valenzuela City.

 

 

“Pinangakuan po kami ng pabahay at financial, pero wala naman pong natupad. Puyat, pagod, at gutom lang po ang nakuha namin,” magkasabay na pahayag nina alyas “Anie”, 23, at alyas “Reylin”, 25, na apat at tatlong taong naging miyembro ng Anakbayan, ayon sa pagkakasunod, nang sumuko kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr.

 

 

Isinagawa ang pormal na pagsuko ng dalawang miyembro ng organisasyon sa conference room ng Valenzuela Police Station kaugnay sa Balik-Loob Program ng pamahalaan na dinaluhan din ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, at iba pang matataas na opisyal ng Joint Task Force (JTF) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagsagawa ng special intelligence operation, kasama ang puwersa ng Valenzuela Police Intelligence Section na pinamumunuan ni P/Maj Randy Llanderal.

 

 

Hinimok din ng dalawa ang iba pang miyembro ng organisasyon na magbalik-loob na rin sa pamahalaan na higit anilang nakakatulong sa kanilang pamilya sa oras ng kagipitan.

 

 

Matapos lumagda ng katapatan sa pamahalaan, tumanggap ng grocery packs, salapi at livelihood assistance ang dalawa.

 

 

Sa kanya namang mensahe, ipinaliwanag ni Col. Destura ang kahalagahan at kagandahan ng Balik-Loob Program ng pamahalaan na dahilan kaya’t marami na ang nagpapasiyang tumiwalag sa kinaa-anibang makakaliwang grupo. (Richard Mesa)

Other News
  • Bill vs no exam sa mga estudyante na‘di bayad tuition, pasado na sa Kamara

    PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagbabawal sa mga paaralan na payagan ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs) na kumuha ng pagsusulit kahit hindi pa bayad ang tuition fees o matrikula.     Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o […]

  • Ads April 12, 2021

  • Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital

    DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang mga vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na kung saan ipasisilip niya ang katatapos lang na pagbisita niya sa French capital.  Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists […]