2 babaeng tulak, laglag sa Malabon drug bust
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI inakala ng dalawang babaeng sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga na pulis ang kanilang katransaksyon matapos silang madakip sa buy bust operation sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Janet”, 53, at alyas “Tin-Tin”, 39, kapwa residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Baybayan, dakong alas-11:30 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa kanto ng Rimas at Banana Roads, Brgy. Potrero.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 3.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P21, 760.00 at buy bust money.
Bago ang mahuli ang mga suspek, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga ito at nang positibo ang ulat ay ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Ani PMSg Kenneth Geronimo, kasong paglabag sa Section 5 (Sale) in relation to Section 26 (Conspiracy) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of R.A. 9165 ang isinampa nilang kaso laban sa mga susek sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman NPD Director Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at pagbabantay kung saan ang matagumpay aniyang operasyong ito ay isang patunay sa pangako nila na gawing mas ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng pagbuwag sa kalakalan ng ilegal na droga.
“Mananatili tayong matatag sa ating pagsisikap na panagutin ang mga indibidwal na sangkot sa mga aktibidad sa ilalim ng batas,” dagdagn niya. (Richard Mesa)
-
Back-to-back na magluluto sa newest vlog: Sen. IMEE, babalikan ang 80s Moroccan experience nila ni BORGY
ISA na namang mega gastronomic weekend treat ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang bagong vlog entry. Makakasama niya sa foodie bonding ang anak na si Borgy Manotoc na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy food lovers. Mula nang bumalik siya sa pagba-vlog ngayong taon, libu-libong sa mga loyal fans ni Imee ang […]
-
PAGSASAAYOS NG BAYBAYIN NG MANILA BAY, PINABORAN NG MGA KONSEHAL NG LUNGSOD NG MAYNILA
PINABORAN ng Konseho ng Lungsod ng Maynila ang pagpapaganda at pagpapaayos sa baybayin ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard na ipinapatupad ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa resolusyong inihain at inakda sa Konseho nina District 4 Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing at […]
-
Malakanyang, itinangging may kamay sa pag-takeover ni Villar sa ABS-CBN frequencies
SINABI ng Malakanyang na humingi lang ng guidance ang National Telecommunications Commission (NTC) sa Office of the Executive Secretary (OES) ukol sa pag-a-assigned ng “available and unused frequencies” at walang direktang kamay ang OES sa pagbibigay ng frequency ng ABS-CBN sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS). Ang pahayag na ito ni acting Presidential […]