• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam

KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan at 3rd MFC RMFB-NCRPO sa buy bust operation in relation to SAFE NCRPO ang HVI na si Marian Torejas alyas “Mean”, 37, (watch listed).

 

 

Nakumpiska kay Torejas ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 204, 000.00 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, alas-6:05 ng umaga nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna din ni P/Major Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO sa buy bust operation na may kaugnayan sa One Time Big Time (OTBT) sa Phase 8B, Package 5, Barangay 176 si Maricel Castro alyas “Cel”, 49.

 

 

Nakuha kay Castro ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 10 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo ang patuloy na pagsisikap ng Caloocan City Police sa kanilang kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale), at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • LTFRB hinamon ang grupo ng PUJs drivers na maghain ng formal na petisyon

    HINAMON ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR) na maghain ng pormal na petisyon ang hanay ng public utility jeepneys para sa hihiningi nilang P2 na fare hike.       Ayon sa LTFRB ang grupo ng PUJs ay nagpadala lamang ng sulat at hindi formal na petisyon kung saan sila ay naghihingi ng […]

  • Wala nang mahihiling pa dahil ‘#blessed’ na: ‘Gift of Life’, pinaka-best birthday gift na natanggap ni MAINE

    MAY nakarating nga sa aming balita na anytime, may balak na raw mag-propose si Arjo Atayde.     Pero dahil wala pang lumalabas kung naganap na ba ito o hindi pa, baka naman nga humahanap pa ng tamang timing ang actor.     Kaya nang matanong si Maine Mendoza kung ano ang best gift na […]

  • 50% na tapyas sa allowance ng mga nat’l athletes, coaches pansamantala lang – PSC chief

    Siniguro ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi pangmatagalan ang 50 porsyentong tapyas sa buwanang allowance ng mga atleta at coach na kabilang sa national pool.   Una rito, ipinaliwanag ng PSC na ang nasabing hakbang ay bunsod ng malaking pagkabawas sa natatanggap nilang monthly remittance mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR).   Dahil […]