• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagets huli sa aktong sumisinghot ng shabu

Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang 17-anyos na binatilyo matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu sa Navotas City.

 

Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Joel Dela Cruz, 18 ng Brgy. Tañong, Malabon city at ang 17-anyos na binatilyo ng Daang Hari, Navotas.

 

Sa report ni Major Sobrido kay MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, dakong 5:30 ng madaling araw nang magsagawa ng routine patrol ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa Palengke St., Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.

 

Dito, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa isang nakabukas na kubo na naging dahilan upang arestuhin ang dalawa at narekober sa kanilang improvised aluminum foil pipe, aluminum foil strip na may bahid ng shabu at isang lighter.

 

Ani MARPSTA PSMS Bong Garo II, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 30,400 vaccination sites sa buong bansa, gusto pang madagdagan ng DOH

    HANGAD ng Department of Health (DoH) na dagdagan pa ang inoculation sites sa buong bansa.     Sa kasalukuyan kasi ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Health Usec. Myrna Cabotaje, ay may 30,400 lamang ang operational na mga vaccination site sa buong bansa.     Ani Cabotaje sa kanilang nakikita na maaaring maging additional […]

  • SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara

    Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards.     Ito ay kasunod na rin ng mga napabalitang paglipana ng spam messages kamakailan na nag-aalok ng trabaho kapalit ng mataas na sahod, na ayon sa National Privacy Commission (NPC) ay mula sa global o international syndicates. […]

  • “THE LOST CITY” REVEALS BIG GAME SPOT AND PAYOFF POSTER

    BULLOCK. Tatum. Are they taken? Are they took-en?  Find out in Paramount Pictures’ new comedy adventure The Lost City, starring Sandra Bullock, Channing Tatum & Daniel Radcliffe. Check out the film’s newly launched Big Game Spot and main poster below.  The Lost City opens exclusively in Philippine cinemas April 22.     YouTube: https://youtu.be/-nn29xvqa4M   About The Lost City […]