• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagong kaso ng COVID-19 kinumpirma ng DOH

MAYROONG panibagong dalawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kung saan sa kabuuan ay meron nang lima ang naitatala sa bansa. Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon, Marso 6.

 

Sa ginanap na press briefing, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa ikaapat na bagong kaso ay isang 48-anyos na lalaki na may travel history sa pagbiyahe sa Japan.

 

Ang ikalima namang pasyente ay regular na bumibisita sa isang Muslim prayer hall sa Barangay Greenhills, San Juan City.

 

Pinag-aaralan ngayon ng DOH kung ang nasabing ikalimang pasyente ay unang kaso ng local transmission dahil wala naman daw itong record na pagbiyahe sa ibang bansa.

 

Liban dito, ayon sa DOH maaari lamang masabi na meron ng local transmission kung meron pang mahigit sa isa pa ang nahawa.

 

Kaya naman puspusan na ngayon ang contact tracing sa posibleng nakasalamuha ng mga ito.

 

“There is no transmission to speak of as of yet because we only have one. That’s why we’re doing contact tracing,” ani Duque.

 

Agad namang nag-abiso ang DOH sa mga bisita ng Muslim prayer hall na kung sakaling makaramdam ng symptoms ay makipag-ugnayan lamang sa DOH hotline (02)8-651-7800 loc 1149-1150 para sa kaukulang referral at kung ano ang mga dapat pang gawin.

 

Ang ikaapat at ikalimang kaso ng COVID-19 ay kapwa naka-confine na ngayon sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City.

 

Sinasabing ang ikaapat na pasyente ay bumalik ng Pilipinas noong February 25 at nakaramdam nang trangkaso mula noong March 3.

 

Matapos magpakunsulta at makuhanan ng samples at testing, ito ay nakumpirma na may COVID-19 kahapon.
Ang ikalimang kaso naman na 62-anyos na lalaki ay meron nang dating karamdaman sa hypertension at diabetes.
Ito raw ay nagpakunsulta noong March 1 sa isang ospital sa Metro Manila at na-admit sa pagamutan dahil sa severe pneumonia.

 

Nakumpirma rin ito na may COVID-19 kahapon matapos na makunan ng specimen nitong nakalipas na March 4.
“We can still contain the spread of the virus in the country, which is why we are encouraging the public to practice proper handwashing, social distancing, and cough etiquette. We call on the public to be vigilant,” bahagi pa nang panawagan ni Sec. Duque. (Daris Jose)

Other News
  • Pagbabakuna, hindi magagamit sa pulitika lalo’t sa sandaling magsimula na ang pangangampanya-Dizon

    HINDI masasamantala ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ang vaccination drive ng pamahalaan.   Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi sila papayag na mapasukan ng pamumulitika ng sinumang kumakandidato ang vaccination efforts ng pamahalaan.   Neutral ang gobyerno at diretso sa taumbayan ang pakinabang ng pagbabakuna at hindi sa […]

  • Matapos na mag-congrats sa nalalapit na kasal: SHARON, binanggit kay MAINE na kasama ang bagong son na si ALDEN

    SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest ng TVJ at Legit Dabarkads sa pilot telecast nila ng noontime show nila sa TV5, ang “E.A.T.” last Saturday, July 1.  Kinanta ni Sharon ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” pero nag-request pa ng another song ang TVJ, ang “Bituing Walang Ningning.”       Pero bago muling […]

  • Notoryus snatcher nasakote sa Caloocan

    Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) District Special Operations Unit (DSOU), agad naaresto ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante sa Caloocan city.     Kinilala ni NPD-DSOU PMAJ Amor Cerillo ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art […]