2 bagong pumping stations sa Malabon, pinasinayaan
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval at dating Congressman Ricky Sandoval ang dalawang bagong modernong pumping station bilang bahagi ng inisyatiba na ‘Ligtas sa Baha’ para sa kaligtasan ng mga Malabueño sa panahon ng bagyo at high tide.
Ang dalawang pasilidad ay ang Sto. Rosario II Pumping Station sa Barangay Baritan, at ang Dulong Adante Pumping Station sa Barangay Tañong.
“Hindi tayo titigil sa pagsigurong mayroon tayong mga programa laban sa matinding pagbabaha dito sa ating lungsod. Maliban sa pagsasaayos ng mga floodgate ay ating binuksan itong dalawang modern pumping stations sa ating lungsod na tiyak na makakatulong sa pagpigil ng pagpasok ng baha dito sa ating lungsod tuwing may bagyo o high tide,” ani Mayor Jeannie.
“Tanging hiling ko lamang po ay ang inyong kooperasyon sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating lungsod lalo na sa mga daanan ng tubig. Huwag tayong magtapon ng mga basura sa mga ito upang hindi bumara at maging sanhi ng mas matinding problema,” dagdag niya.
“Itong ating bagong mga pumping stations ay itinayo upang mas mapaigting ang ating mga hakbang tungo sa mas ligtas na lungsod, anumang kalamidad ang dumaan. Maliban sa mga isinasagawnag pagsasaayos ng mga imprastraktura laban sa pagbabaha ay ating makakatulong ang dalawang modernong pumping stations para hindi maapektuhan ang lungsod ng matinding sakuna,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.
“Asahan ninyo na patuloy tayo sa pagbuo at pagpapaganda ng mga proyektong nakatuon sa kaligtasan ng bawat Malabueño,” dagdag niya. (Richard Mesa)
-
THE THIRD EYE BY: CHRISTIAN TUPAZ
‘VOX POPULI, VOX DEI’ (The Voice of the People is the Voice of God). A beacon to 42 countries that will have their Government Elections this year 2022. 5 out of 42 countries around the world are in a verge for transition to high Governance. – SOUTH KOREA. Presidential elections (March 9, 2022)– FRANCE. Presidential […]
-
VP Sara inakusahan ng ‘cover up’ sa P500 milyong confidential funds sa OVP
INAKUSAHAN ang umano’y pag-cover up ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan nang pagpigil sa mga malalapit niyang tauhan na sinasabing sangkot sa maling paggamit ng P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso. Ipinahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chair ng […]
-
PBBM, hinikayat ang publiko na magpartisipa sa traffic summit
INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na makilahok sa nalalapit na traffic summit at sumali sa talakayan sa paghahanda ng paraan para mapabuti ang sitwasyon sa trapiko. Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na habang ang long-term infrastructure projects ay isinasagawa, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno ng […]