Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget.
Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado.
Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid ang enrolled bill sa Malacanang, para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kapag dumating ang kopya nito sa palasyo, hihimayin din iyon ng mga advisers ng presidente para sa iba pang konsiderasyon.
Target naman ng Pangulo na malagdaan ito bago matapos ang taong 2020.
Una nang sinabi ng chief executive na ayaw niyang magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon, lalo’t maraming paglalaanan ng pondo na kailangan ng agarang aksyon, kagaya ng pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 at iba pang mga proyekto.
-
KOBE, dumaan din sa matinding depresyon na ramdam pa hanggang ngayon
INAMIN ni Kobe Paras sa post niya na dumaan din siya noon sa matinding depresyon na maituturing na lowest point ng kanyang buhay. Isang screenshot ang ibinahagi niya na may caption ng, “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just […]
-
Trabaho sa BPO, naghihintay sa mga uuwing OFW
May naghihintay na oportunidad sa trabaho sa mga industriya ng business process outsourcing (BPO) para sa mga uuwing overseas Filipino worker, partikular sa mga mayroong karanasan sa information technology at healthcare, ayon sa Department of Labor and Employment. Kasunod ito ng pagtutulungan ng DOLE at ng IT and Business Process Association of the Philippines […]
-
LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año
MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants. Tinukoy nito ang nasa […]