• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagong tren ng PNR, aarangkada na

SA mga susunod na araw ay maari ng masakyang ang dalawang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).

 

Inaasahan din na mabibigyang serbisyo sa mga libo-libong mga mananakay na mula sa Tutuban hanggang Alabang Station.

 

Ayon sa PNR, nakumpleto na ang mga bagong bagon ng tren na idineploy sa PNR depot ngayong araw sa Tutuban sa Maynila.

 

Ang mga bagong bagon ay inangkat pa mula sa Indonesia na walong 8100 series ng diesel multiple units o DMU rail cars o bagon na binuo sa dalawang train set na may tig-apat na bagon.

 

Ito rin ay fully air conditioned, may mga security feature sa loob gaya ng CCTV , safety signages at iba pa.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng 2018 train procurement ng PNR na layong makapagserbisyo ng marami pang pasahero at madagdagan pa ang skedyul ng byahe.

 

Bago ito umarangkada , sasailalim muna ito sa valudation test sa loob nh uanng 150 oras na aabot sa sampung araw.
Magkakaroon naman ng libreng sakay habang isinasagawa ang validation test sa dalawang tren ayon na rin kay PNR General Manager Junn Magno. Sa kalagitnaan mg taon, inaasahan na madaragdagan pa ng dalawang DMU o tren para sa libu-libong pasahero. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA

    NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon.     Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong […]

  • Maritime laws, mahalaga para protektahan ang PH waters – PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatutulong ang bagong maritime laws sa Pilipinas para protektahan ang teritoryo nito sa pamamagitan ng paglikha ng malinaw na delineasyon ng territorial waters nito.   “Marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty. So, it serves a purpose that we define closely […]

  • Mga Pinoy sa HK, binabantayan na ng DOLE dahil sa ‘mandatory vaccination order’

    Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na binabantayan na nito ang kasalukuyang sitwasyon sa Hong Kong kasunod nang naging desisyon ng gobyerno nito na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease sa libo-libong banyagang manggagawa sa naturang rehiyon.     Ayon kay Director Rolly Francia, mino-monitor na raw ng DOLE ang pagpapatupad […]