• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bagong tren ng PNR, aarangkada na

SA mga susunod na araw ay maari ng masakyang ang dalawang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).

 

Inaasahan din na mabibigyang serbisyo sa mga libo-libong mga mananakay na mula sa Tutuban hanggang Alabang Station.

 

Ayon sa PNR, nakumpleto na ang mga bagong bagon ng tren na idineploy sa PNR depot ngayong araw sa Tutuban sa Maynila.

 

Ang mga bagong bagon ay inangkat pa mula sa Indonesia na walong 8100 series ng diesel multiple units o DMU rail cars o bagon na binuo sa dalawang train set na may tig-apat na bagon.

 

Ito rin ay fully air conditioned, may mga security feature sa loob gaya ng CCTV , safety signages at iba pa.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng 2018 train procurement ng PNR na layong makapagserbisyo ng marami pang pasahero at madagdagan pa ang skedyul ng byahe.

 

Bago ito umarangkada , sasailalim muna ito sa valudation test sa loob nh uanng 150 oras na aabot sa sampung araw.
Magkakaroon naman ng libreng sakay habang isinasagawa ang validation test sa dalawang tren ayon na rin kay PNR General Manager Junn Magno. Sa kalagitnaan mg taon, inaasahan na madaragdagan pa ng dalawang DMU o tren para sa libu-libong pasahero. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, walang papel sa Maharlika fund bill revision

    WALANG papel si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa revision o ginawang pagbabago sa House of Representatives-approved Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Isang bagong Maharlika Investment Fund kasi ang iprinisenta ni Pangulong Marcos  sa potential investors sa ginanap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.     Ito ang ibinahagi ni House Ways and […]

  • 9 Valenzuelano Centenarians nakatanggap ng cash incentives

    SIYAM na centenarian na kinakatawan ng kanilang mga kamag-anak ang nakatanggap ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lokal ng Valenzuela bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay na nakaukit sa kasaysayan ng Lungsod.     Ang lokal na pamahalaan ay namimigay ng cash incentives sa mga centenarian na residente ng lungsod mula noong 2016 sa bisa ng […]

  • Julie Anne, tuwang-tuwa sa magandang opportunity na dumating

    MASAYA ang fans ni Julie Anne San Jose dahil napili ang Kapuso singer and TV host na umawit ng theme song ng Netflix animated film na Over The Moon.   Ang Netflix Philippines mismo ang nag-announce na si Julie ang umawit ng “Rocket to the Moon” ang theme song cover ng Over The Moon at […]