2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon.
Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World Boxing Organization (WBO) title holder Terrence Crawford ng kapwa EstadosUnidos.
Ayon ito Huwebes kina Jayke Joson, special assistant at business partner ng Pinoy ring icon, at Arnold Vegafria, business manager ng eight-division world boxing champ, lalo’t pa’t handa anilang gastahanang bakbkan ni Paradigm Sports Management president Audie Attar sa 2021 sa Dubai, United Arab Emirates.
Si Attar ang manager din ni mixed martial arts star McGregor, binayaran ang kanyang bata ng $130M
(P6.2B) nang labanan si four-division world professional men’s boxing champion Floyd Mayweather Jr. ng USA na tumanggap ng ng $270M (P12.9B)
Tiwala ang dalawang opisyal na limpak din ang kikitain ng kanilang amo kung si McGregor ang kakasahan kaysa sa sinuman sa dalawang Amerikano.(REC)
-
PhilSA, inilabas ang mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil spill
NAGPALABAS ng mapa ang Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpapakita ng potensiyal na laki o lawak ng oil spill mula sa tumaob na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa lalawigan ng Bataan. “It includes the tanker’s location as well as a satellite image of the oil leak that was taken at […]
-
Sino pa kaya ang gay celebrities ang lalantad?: RAYMOND, inamin na may boyfriend na at walang dapat itago
SA podcast ni Wil Dasovich noong June 11 ay ininterbyu niya si Raymond Gutierrez at napunta sa topic ng lovelife ang usapan nila. Inamin ni Raymond na mayroon siyang boyfriend. “What is there to hide? There is nothing to hide. If the pandemic taught us one thing, it’s to […]
-
Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto
NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund. Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang […]