• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bebot arestado sa shabu sa Caloocan at Navotas

Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities.

 

Kinilala ni DDEU chief P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang suspek na si Jeremiah Dimia, 33 ng 122 Guido 2 St. Maypajo Brgy. 33, Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Jezell Delos Santos, dakong 6:30 kahapon ng umaga nang mahulihan ni PSSg Ronel Tamayo ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu si Dimia sa loob mismo ng DDEU office sa Langaray St. Kaunlaran Village, Brgy. 14.

 

Sa Navotas, dakong 12:30 naman ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni PLT Juanito Arabejo Jr. na nagsasagawa ng patrolya at nagpapatupad ng city ordinance sa kahabaan ng Baron St. Brgy. NBBN si Edna Serrador, 54 ng Old Fishport.

 

Narekober ng mga pulis kay Serrador ang nasa 7.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P50,320.00 ang halaga.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan

    ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod. […]

  • Saso giniit ang pagiging Pinay

    NAGING Japanese citizen simula nitong Enero si Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso.     Pero habang-buhay pa ring giniit ng reigning world women’s golf No. 7 na may dugong Pinoy siya na ‘di niya kalilimutan.     Klinaro ito ng 20-taong-gulang na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na Fil-Japanese  Lunes sa isang […]

  • Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19

    UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.   Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.   Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad […]