• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 binata timbog sa marijuana

KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.

 

Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Jaycito Ferrer kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, alas-4:45 ng madaling araw, nagpapatupad ng city ordinance ang mga tauhan ng Navotas Police Sub- Station 3 sa pamumuno ni P/Capt. Tubongbanua sa Lapu-Lapu Bridge, Brgy. Bangkulasi, Navotas city nang mapansin nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew.

 

Nang sitahin, nakumpiska nina PCpl Regie Alilano at PCpl Paul Albert Awayang sa mga suspek ang 22 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 72 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa P8,640 ang halaga kaya’t inaresto ang dalawa.

 

Pinuri ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang Navotas Police SS-3 sa pamumuno ni P/ Capt. Tubongbanua sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Balasabas sa dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 lalaki sugatan sa pamamaril sa Malabon

    MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang ring lalaki sa Malabon city.     Parehong inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Jesus Montante, 38 ng Blk 16, Lot 65, Phase 2 Area 3 Dagat-dagatan, at Arturo Espos, 53, vendor ng Blk 9B, Hito St., kapwa […]

  • Abueva, tinanggihan ang mga alok sa ibang liga

    Mas pinili pang maglaro sa PBA kaysa mapunta sa ibang liga si Phoenix Fuel forward Calvin Abueva.   Sinabi nito na mula ng masuspendi siya sa PBA noong June 2019 ay inalok itong maglaro sa ibang liga gaya sa MPBL, liga sa Thailand at sa Japan.   Ang nasabing mga offier ay kaniyang tinanggihan dahil […]

  • PDu30, oks na ipalabas ang P1.185 bilyong piso para sa special risk pay ng mga health workers

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas sa P1.185 bilyong piso mula sa contingent fund ng gobyerno noong nakaraang taon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health workers na hindi pa nakatatanggap nito.     Sinabi ni Senador Bong Go na ang P1.185 bilyong piso ay huhugutin mula sa 2021 Contingent Fund […]