• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 Chinese National, hinarang sa NAIA

NAHARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangkang paglabas ng bansa ang dalawang puganteng Chinese national.

 

 

Ang dalawa ay naharang at naaresto sa magkahiwalay na insidente  sa NAIA terminal 1 nang tangkain niyang umalis ng bansa.

 

 

“They are now detained at our detention facility in Camp Bagong Diwa, Taguig City where they will remain until they are deported,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

 

 

Ayon kay Tansingco,  ang isa sa kanila ay wanted ng extortion sa China habang ang isa ay may nakabinbin na kasong criminal at deportasyon sa BI.

 

 

Kinilala ang isa sa suspek na si Jun Zhang, 36, na inaresto ng tinangka nitong sumakay ng byaheng Bangkok at nagpakilalang  taga-Myanmar.

 

 

Nagpakita siya sa BI counter ng Myanmar passport sa pangalan na si Lu Kyin Yang.

 

 

“We received advanced information from the Chinese government that he is a fugitive in China and that he would be using that Myanmar passport to evade detection,” paliwanag ni Tansingco.

 

 

Ang pangalawang suspek ay kinilalang si Tianyi Zhang, 28, isang babae na tinangkang umalis biyeheng Xiamen.

 

 

Base sa records, nag-isyu ang BI ng deportasyon laban kay Zhang dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien dahil sa pagtatrabaho sa bilang prostitusyon.

 

 

Si Yang at kasama nito ay inisiyuhan ng hold departure order ng korte upang hindi sila makaalis ng bansa  habang dinidinig ang kanilang kaso. GENE ADSUARA

Other News
  • 75 NA IMMIGRATION OFFICERS, NAGSIPAGTAPOS

    MAY kabuuang 75 na panibagong batch ng mga Immigration Officers ang nagtapos sa ilalim ng Bureau of Immigrations (BI) Philippine Immigration Academy (PIA).     Ang mga nagtapos na mga BI Immigration ay pormal na kikilalanin sa isang graduation ceremony sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco  […]

  • Benepisyo ng infrastructure projects ng Duterte Administration- PCOO

    RAMDAM na ang benepisyo ng Build, Build Build project ng Duterte Administration sa pagluwag ngayon ng Edsa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagbunga na ang infrastructure projects ng pamahalaan. Aniya, kapansin- pansing mas mabilis na pagbiyahe sa Edsa kasunod ng pagbubukas ng NLEX- SLEX Skyway kamakailan na na- obserbahan din […]

  • Mayor Isko, tanggap na ang pagkatalo bilang Pangulo: ROBIN, nangunguna bilang Senador at kinabog sina LOREN at RAFFY

    SI Robin Padilla ang number one senator based sa tally na inilabas ng Comelec.     Mas mataas ang boto kina comebacking senator Loren Legarda at broadcaster Raffy Tulfo.     Hindi lang namin sigurado kung inaasahan ba ni Robin na he will top the senatorial race. Hindi naman siya masyadong visible during the campaign. Hindi nga klaro […]