• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 construction workers, bebot timbog sa Valenzuela buy bust

TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 41-anyos na bebot ang nasakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destutra Jr na alas-10:30 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo sa St. Lukes St., Brgy., Veinte Reales.
Kaagad inaresto ng mga operatiba si Rosie Atencio, 41, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nasamsam kay Atencio ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P34,000, buy bust money, cellphone at coin purse.
Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Kapisanan Anak Dalita, Brgy. Marulas dakong alas-3:15 ng madaling araw sina Jaidie Bacula, 30, at Juan JR Auzana, 35, kapwa construction worker.
Ani Cpt Madregalejo, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P47,000, P300 bills na ginamit bilang buy bust money, P100 recovered money, coin purse at cellphone.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • Nag-file na sila ng complaint sa isang whisky brand: BOY2, nag-warning sa gumagamit ng photo ng lolo na si DOLPHY

    NAGLABAS ng warning si Boy2 Quizon sa isang local whisky brand na ginagamit ang photo ng kanyang lolo na si Dolphy Quizon para mabenta ang naturang produkto sa social media.     Sa pamamagitan ng Instagram Stories, nilinaw ni Boy2 na walang ine-endorse na anumang produkto ang kanilang pamilya na gamit pa ang imahe ng […]

  • Navotas naghahanda na sa implementasyon ng COVID-19 vaccination

    Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa implementasyon ng kanilang COVID-19 vaccination para sa mga residente nito.     Sa naganap na meeting na pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama ang City Health Department at mga department head, nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas at nasa 103,000 ang edad 18 pataas na target […]

  • Pedicab driver nalambat sa Navotas, P380K shabu, nasamsam

    NASAMSAM sa isang pedicab driver na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang halos P.4 milyon halaga ng shabu matapos matimbog aa buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Jayson Gacayan, 42 ng Leongson St., Brgy. San Roque. Sa kanyang ulat kay […]