Navotas naghahanda na sa implementasyon ng COVID-19 vaccination
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa implementasyon ng kanilang COVID-19 vaccination para sa mga residente nito.
Sa naganap na meeting na pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama ang City Health Department at mga department head, nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas at nasa 103,000 ang edad 18 pataas na target mabakunahan.
“Hindi po sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya kailangan meron po tayong priority list. Pinakauna ay ang ating mga public at private medical frontliners dahil sila po ang may pinakamataas na tsansa ng exposure sa COVID-19. Importante po na proteksyunan natin ang mga nag-aalaga sa atin”, ani Tiangco.
Ang mga nasa priority list ay mga frontline health workers, indigent senior citizens, iba pang senior citizens, indigent population, mga uniformed personnel, mga guro at school health workers, lahat ng government workers, Essential workers sa agrikultura, food industry, transportasyon at turismo, mga nakakulong, PWD, mga residenteng nakatira sa matataong lugar, Overseas Filipino Workers (OFWs), iba pang manggagawa, mga mag-aaral at iba pa.
Paalala ni Tiangco, mahalaga na magpalista sa COVID-19 vaccination program para maging handa sa pagdating ng bakuna ngunit, hindi aniya nangangahulugan na mababakunahan kaagad dahil susundin ang priority list sa pagbabakuna, ayon sa polisiya ng DOH.
Sinabi pa niya, kahit malayo sa priority, ang importante ay magpalista agad, dahil kung wala sa listahan, lalong wala tsansang masama sa mga mababakunahan.
Sa mga hindi pa nakapag-register, kumpletuhin lamang po ang form na ito: https://bit.ly/3qm2SYD. Sa mga walang gadget o internet connection, hintayin lamang ang anunsyo kung paano makakapag-register. (Richard Mesa)
-
PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). Sa katunayan, sa Facebook post, araw ng Lunes, inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and […]
-
Ivana, mabilis ding umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo
ANG mga YouTuber o vlogger na katulad ng sexy actress na si Ivana Alawi ang isa sa mga artista na mabilis umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo. Personal na nagpunta si Ivana sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng kanyang tulong sa Cagayan. Ang naging video niya sa kanyang You Tube […]
-
2 binata timbog sa marijuana
KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas. Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas. Sa […]