2 drug pushers huli sa P442K shabu
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Pinuri ng bagong Northern Police District (NPD) Director na si P/BGen. Eliseo Cruz ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos ang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakasabat sa halos P.5 milyon halaga ng shabu mula sa dalawang naarestong drug pushers sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/BGen. Cruz ang naarestong mga suspek na si Dante Tordera, 45, isang notoryus drug pusher na dating nadakip dahil sa droga subalit, nakalaya noong March 20 dahil sa plea bargaining agreement sa Caloocan Regional Trial (RTC) Branch 120 at May Adriano, 45 ng 226 San Bartolome St. Maypajo, Brgy. 34.
Ayon kay P/BGen. Cruz, dakong 10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr. ang buy-bust operation sa bahay ni Adriano kung saan isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P6,000 halaga ng shabu.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 65 gramo ng shabu na may standard drug prize P442,000.00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at limang pirasong P1,000 boodle money at isang digital weighing scale. (Richard Mesa)
-
20-anyos na wanted sa sexual offenses, nabitag sa Valenzuela
TIMBOG ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD), sa pamamagitan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa manhunt operation ang isang kelot na wanted sa kasong sexual offenses sa Valenzuela City. Ayon kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa kinaroroonan ng 20-anyos […]
-
Gilas Pilipinas coach kukuha ng mga manlalaro mula UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments
PLANO ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kumuha ng mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments sa buwan ng Hulyo. Ito ay sa kadahilanan na maraming mga PBA Players ay abala na dahil sa kasagsagan ng 47th season ng Philippine Cup na magsisimula sa Hunyo 5. […]
-
Mass protests asahan, kasunod ng LRT-1 fare hike
NAGBABALALA si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) sa posibleng “massive protest actions” kung hindi pipigilan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng P5-P10 LRT-1 fare increase. Inihayag ng LRMC na simula Abril 2, magiging P20 (dating P15) ang pasahe ng pinkamaikling biyahe habang ang pinakamahaba ay P55 (dating […]