• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 11th, 2020

HELPER UTAS SA SKELETAL TRAILER

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TODAS ang isang 27-anyos na helper matapos maipit sa pagitan ng isang skeletal trailer at motor pool steel post makaraan ang naganap na freak accident sa loob ng NCT container yard sa Caloocan city.

 

Binawian ng buhay si Darwin Naguit, ng Kamagong Street, Brgy. Sta Clara, Sta. Maria Bulacan sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ginagamot sa Mercy institution ng kompanya matapos isugod ng kanyang mga ka-trabaho.

 

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joemar Panigbatan, minamaneho ni Juezan Rosales, 47 ang tractor head na may trailer sa loob ng NCT container yard sa Dagat-dagatan Avenue Extension, Brgy. 28 alas-3:45 ng madaling araw upang kargahan ng container nang aksidenteng tumama ang kaliwang bahagi ng container lock nito sa harap at gilid na bahagi ng skeletal trailer na nakaparada.

 

Sa lakas ng impact, tumakbo pasulong ang skeletal trailer at nabangga ang biktima na sa mga oras na iyon ay naglalakad sa harap ng nakaparadang trailer hanggang sa makaladkad si Naguit bago tumama sa steel post.

 

Ani Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, si Rosales ay iprinisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (Richard Mesa)

LeBron, Davis ‘di maglalaro sa preseason opener ng Lakers?

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posible umanong hindi muna maglaro sa unang preseason game ng Los Angeles Lakers ang superstar duo nina LeBron James at Anthony Davis.

 

Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, bagama’t wala pa silang nabubuong desisyon, ito na raw marahil ang tutunguhin ng kanilang magiging pasya.

 

“We haven’t made that decision yet, but I will say it’s probably unlikely that they play,” wika ni Vogel.

 

Sa nasabing preseason game, haharapin ng Lakers ang mahigpit nilang karibal na Los Angeles Clippers sa darating na Sabado.

 

Matapos ang Clippers, sunod naman nilang kakalabanin ang Phoenix Suns sa susunod na linggo.

 

Sa Disyembre 23 naman gaganapin ang kanilang unang laro sa regular season kung saan makakatunggali nila ang Dallas Mavericks.

3 koponan ng PSL papahinga sa 2021

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINIWALAT na ng Philippine SuperLiga (PSL) ang mga programa para sa taong 2021, pero magpapahinga muna ang tatlong koponan ng semi-professional women’s volleyball league.

 

Hindi na muna maglalaro ng isang taon sa liga ang Petron Blaze Spikers, Generika-Ayala Lifesavers at Marinerang Pilipina Lady Skippers dahil sa rason nilang may pandemya pa ng Covid-19.

 

Pero may isang koponan sa karibal na liga (ang nag-pro nang Preimer  Volleyball League) ang magiging kapalit ng tatlo bilang team muna sa PSL, ang PetroGazz Angels.

 

Ang mga hinanay na palaro nina PSL chairman Philip Ella Juico at president Adrian Laurel ay ang ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Pebrero 25-27, Fans Day sa Marso 7, All-Filipino Conference sa Mar. 13 at PSL Collegiate Grand Slam sa Hulyo 10-Agosto 14.

 

Hiwalay pa ayon sa dalawang opisyal rito ang pagbahagi ng liga sa mga lalahukan ng bansa na torneo sa abroad kagaya ng 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam at iba pa.

 

Ang mga koponan pang kasapi sa PSL ay ang F2 Logistics Cargo Movers, Cignal HD Spikers, Chery Tiggo Crossovers, Sta. Lucia Lady Realtors at PLDT Fibr. (REC)

World AIDS Day: Pinay Miss U Catriona at Pia, napabalik-tanaw bago naging advocate sa HIV awareness

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umaani ng paghanga ang dalawang Pinay Miss Universe beauty na sina Pia Wurtzbach at Catriona Magnayon Gray sa World AIDS Day 2020 commemoration-celebration.

 

Ito’y kasunod ng pagiging guest speaker nila hinggil sa kauna-unahang #SaferNowPH Summit, isang online conference na tumalakay sa mga bagong paraan tungo sa pag-iwa sa HIV (human immunodeficiency viruses), na isinagawa sa Paranaque City.

 

Unang nagtalumpati ang pang-apat na Pinay Miss Universe kung saan kanyang sinabi na pinili niyang matutunan ang nararapat na malalim na pakikitungo para sa mga taong may AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) lalo’t minsan siyang nawalan ng kaibigan dahil sa naturang sakit.

 

“It actually started from a passion and that passion was rooted with a personal loss. It so happened that within my first two years of living in the Philippines, I lost a good friend to an HIV infection that subsequenlty developed into AIDS. It was something that I didn’t understand at that time, it was something that I heard about, but I didn’t understand anything about HIV or AIDS at all, I didn’t understand anything about how it affected an individual.. and I’m one of those people, I’m really stubborn that if i don’t understand something, I want to know talaga…” bahagi ng pahayag ni Gray.

 

“..and it really gave a story to it, not that it was an isolated incident but a curse and happens that affect so many- not just from the health perspective but also in the quality of life perspective, in self acceptance, self love, overcoming things like discrimination and stigma,” dagdag nito.

 

Nagbigay naman ng payo ang pangatlong Pinay Miss Universe na umaming kanya lang din natutunan ang tamang pakikitungo noong unang beses pagkatiwalaan ng isang taong may HIV.

 

“Just listen. You know, when somebody opens up to you, they’re not looking for an answer or solution, they just want support. Of course you dont have the answers, of couse you don’t have the cure, you dont have all of these. But they need you to listen, to understand and to not show any judgement at all. Huwag magbago ‘yung body language mo, ‘yung the way ka magsalita or ‘yung tingin mo sa kanya,” ani Wurtzbach.

 

“Do you know how much bravery it takes, and courage it takes to open up to somebody about soemthing so personal like that? if somebody comes up to you and chooses to share this information, see it as this person trusts you, ahh, kausapin mo rin sila, ask them if they’re OK, how they’re doing, what kind of support do they need, how can u help,” dagdag nito.

FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko  laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao.

 

Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal  ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang.

 

Base sa umano sa post, gagamitin ang malilikom na pera sa umanoy pag-oordina sa isang Rev.James Calma ng Rogationist of the Child Jesus sa Disyembre 10,2020 kung saan pinapahulog sa Gcash at Palawan sa numerong 09155259175.

 

Ayon sa  Diocese, nang iberipika ,nalaman  nakarehistro ang cellphone number sa isang John Blake N na halos kapareho  sa John Balle Navarro  na gumamit din ng pangalan ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr,noong 2017 na humingi naman ng tulong mula sa VSM realty Corporation sa General santos City.

 

Nanawagan ang Diocese na huwag pansinin ang anumang mensahe o friend request ng nasabing facebook account at nagpaalala rin sa publiko na mag-ingat  sa pakikipag-usap sa social media gayundin iberipika kapag may kahina-hinalang fund raising activities ang isang indibidwal. (GENE ADSUARA)

Ginebra nasungkit din ang PBA All-Filipino crown makalipas ang 13-yrs

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inabot din ng 13 taon bago muling nasungkit ng Barangay Ginebra ang most coveted title na All-Filipino crown matapos talunin ang TNT Giga sa Game 5, 82-78.

 

Hindi na pinakawalan pa ng Ginebra ang abanse mula sa second half hanggang sa pagtatapos ng game sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Tinanghal na best player of the game si Japeth Aguilar na kumamada ang 32 big points bilang kanyang career high at may dagdag na nine rebounds.

 

Binigyan naman ng kredito ni Aguilar sa tibay din ang Giga na kahit kulang ng players ay pinahirapan din sila.

 

Nitong game hindi pa rin nakalaro sina Bobby Ray Parks Jr. at si Jayson Castro.

 

“I want to give credit to TNT, alam namin they are down on injuries pero ready talaga silang lumaban,” pahayag pa ni Aguilar.

 

Samantala, ang ika-13 korona ng Gin Kings ay lalong nagpatibay kay head coach Tim Cone bilang winningest coach para sa kanyang ika-23 titulo sa PBA.

 

Sa kanyang talumpati inialay ni Cone ang korona sa mga fans, kasabay nang kanyang pagbabalik tanaw sa hirap na dinaanan ng kanilang team lalo na ang isa sa veteran player na si LA Tenorio na bago lamang inoperahan (appendectomy) sa pagsisimula ng tanging torneyo sa taong 2020.

 

“They found a way to win, I’m so proud of them… amazing, amazing feat.” pagbubunyi pa ni Cone sa mga players.

 

Tinanghal pa bilang PBA Press Corps Honda Finals MVP si Tenorio na merong average na 13.6 points per game at 6.2 assists at 2.8 rebounds sa loob ng limang games sa Finals ng 2020 Philippine Cup.

 

Kahit matagal na si Tenorio sa liga ito pa lamang ang kanyang kauna-unahang All-Filipino title.

 

Sa kabilang dako ito na ang ikalawang sunod na kampeonato ng Ginebra na namayani rin sa 2019-20 Governors Cup noong buwan ng Eero.

 

Narito ang scores:

 

Barangay Ginebra 82 – Aguilar 32, Pringle 13, Tenorio 10, Dillinger 8, Thompson 6, Mariano 5, Chan 3, Caperal 3, Devance 2, Tolentino 0

 

TNT Giga 78 – Pogoy 23, Erram 18, Enciso 17, Rosario 12, De Leon 6, Vosotros 2, Carey 0, Reyes 0, Montalbo 0, Washington 0

 

Quarters: 19-19, 38-36, 55-56, 82-78

DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagvivideoke ngayong holiday season

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal   na muna sa pag- karaoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season.

 

Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19.

 

Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing, ang parusa sa mga lalabag sa pagvi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinumang susuway sa ordinansa.

 

Subalit, ang paglilinaw ng opisyal, tanging ang pagvivideoke sa pampublikong lugar o maramihang pagvi-videoke ang ipinagbabawal.

 

Puwede naman aniyang mag-videoke sa loob ng tahanan basta’t ang magpapamilya lamang ang kakanta at walang iimbitahang iba.

 

Batay  kasi sa pag-aaral malaki ang tyansa na makahawa ng virus kapag naghihiraman ng mic at sa ilalim ng GCQ rules mahigpit paring ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon.

 

Sa kabilang dako, ang pakiusap ng Kalihim ay gawing solemn ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon at bumawi na lang sa susunod na Pasko kapag may bakuna na laban sa Covid -19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

‘Hackers’, ninakaw ang COVID-19 vaccine data ng Pfizer-BioNTech – report

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ng mga kompanyang Pfizer at BioNTech na na-hack ang kanilang mga dokumento na may kinalaman sa dinevelop nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

Batay sa ulat ng Reuters, sinasabing napasok ng hackers ang regulator na European Medicines Agency (EMA), na responsable sa pagbibigay ng approval sa mga gamot at bakuna sa European Union.

 

“The agency has been subject to a cyber attack and that some documents relating to the regulatory submission for Pfizer and BioNTech’s COVID-19 vaccine candidate… had been unlawfully accessed,” ayon sa EMA.

 

Wala pang inilalabas na ibang detalye ang regulatory agency. Pero agad nilinaw ng Pfizer-BioNTech, na walang impormasyon mula sa participants ng kanilang ginawang clinical trial ang mako-kompromiso.

 

“(EMA) has assured us that the cyber attack will have no impact on the timeline for its review.”

 

Kamakailan nang gawaran ng British government ng emergency use authorization ang bakunang dinevelop ng dalawang kompanya.

 

Nitong Lunes nang magsimula ang COVID-19 vaccination ng Britany sa mga residente nito gamit ang bakuna ng Pfizer at BioNTech.

Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020!

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Winner ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment website na LionhearTV.net na ginanap nitong Sabado ng gabi.

 

Kinilala bilang ‘Actor of the Year’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at si Maine Mendoza naman para sa ‘Actress of the Year.’

 

Dahil sa epektibong pagganap ng ‘Prima Donnas’ star na si Aiko Melendez bilang si Kendra sa top-rating GMA Afternoon Prime show, tinanghal siyang ‘Favorite Kontrabida.’

 

Samantala, kabilang din sa mga tumanggap ng ‘Most Admired Celebrities’ award ang ‘Descendants of the Sun’ PH star at Big Boss na si Dingdong Dantes.

 

Pagdating naman sa News, nanalong Female News Personality of the Year ang GMA News Pillar na si Jessica Soho habang Male News Personality of the Year naman si Atom Araullo.

 

Nagmula ang mga boto sa boses ng daan-daang libong fans at viewers. Congratulations, mga Kapuso!

Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte

Posted on: December 11th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget.

 

Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado.

 

Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid ang enrolled bill sa Malacanang, para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Kapag dumating ang kopya nito sa palasyo, hihimayin din iyon ng mga advisers ng presidente para sa iba pang konsiderasyon.

 

Target naman ng Pangulo na malagdaan ito bago matapos ang taong 2020.

 

Una nang sinabi ng chief executive na ayaw niyang magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon, lalo’t maraming paglalaanan ng pondo na kailangan ng agarang aksyon, kagaya ng pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 at iba pang mga proyekto.