• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 DRUG SUSPECT TIKLO SA P374K SHABU SA VALENZUELA

DALAWANG hinihinalang drug personalities kabilang ang 49-anyos na ginang ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Joven Palileo, 39, ng Gumamela St. Gen. T. De Leon at Rosa Flora Gatus, 49 ng Yakal St. Old Prodon, Gen. T. De Leon.

 

 

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Urutia St , Bgry. Gen. T. De Leon kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P9,000.00 halaga ng shabu.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000.00, marked money na isang tunay na P1,000 bill at walong pirasong P1,000 boodle money at mobile phone.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • VP Robredo handang magbigay ng ‘legal assistance’

    MULING  kinastigo ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang mga nag-uugnay sa kanya at kanyang mga tagasuporta sa armadong rebelyong komunista, dahilan para maitulak ang kanyang kampong ipagtanggol ang mga tagasuporta kung magkagipitan sa otoridad.     “Kaisa ako ng mga volunteers natin na tumitindig para sa katotohanan at pag-asa; na nalalagay […]

  • Domestic flights sa GCQ areas, pinahintulutan ng IATF

    Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang domestic flights sa mga lugar na sa ilalim ng general community quarantine, ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade.   Bagama’t naglabas na aniya ng kasulatan at kautusan si National Task Force against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez patungkol dito, […]

  • Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA

    TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas.     Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas.     Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion. […]