Domestic flights sa GCQ areas, pinahintulutan ng IATF
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang domestic flights sa mga lugar na sa ilalim ng general community quarantine, ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade.
Bagama’t naglabas na aniya ng kasulatan at kautusan si National Task Force against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez patungkol dito, sinabi ni Tugade na kailangan daw na aprubado ito ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development Giovanni Lopez, may ilang local government units na tumatanggi sa ngayon na tumanggap ng domestic flights.
Dahil dito, napagdesisyunan ng DOTr at National Task Force against COVID-19 na payagan lamang pansamantala ang domestic flights sa mga lugar na may approval ng mga LGUs.
May agam-agam kasi ang ilang lokal na pamahalaan sa pagtanggap ng domestic flights, ayon kay Lopez.
Nauna nang inanunsyo ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia na paunti-unti nilang ibabalik ang kanilang operations ngayong buwan matapos na sabihin ng pamahalaan na luluwagan ang community quarantine measures sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. (Daris Jose)
-
MADAM INUTZ, nag-alinlangan na i-share ang story sa ‘MMK’ na gagampanan ni DAWN
PARA sa kanyang first ever TV debut, pagbibidahan ni Dawn Chang ang makulay na buhay ng PBB Kumunity celebrity housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang ang viral live seller na si Madam Inutz. Kasama ang batikang aktres na si Susan Africa, Gino Roque, at Pamu Pamorada, mapapanood ang espesyal na two-part Mother’s […]
-
27K pasahero dumadagsa kada araw
UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na […]
-
Bagong features ng peso bills, mahirap mapeke at madaling mapag-aralan ng mga visually impared – BSP
Naipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang enhanced features ng peso bills , na inilunsad noong Hulyo 30. Ayun kay BSP Legazpi bank officer Sharon Moyano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ginawa ang hakbang para maprotektahan ang integridad ng banknotes at maiwasan ang pamemeke ng Philippine peso. Maaalala kasi na […]