2 drug suspects kulong sa P70K tobats sa Navotas
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jomboy”, 31, ng Tondo, Manila at alyas “Bibe”, 37, ng lungsod.
Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos ang natanggap nilang impormaston hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Inaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng SDEU matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:51 ng gabi sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagatdagatan.
Ani Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.42 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,856.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads October 24, 2020
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 35) Story by Geraldine Monzon
HINDI naabutan ng mag-asawa si Andrea sa bahay kung saan ito namamasukan bilang kasambahay. Pero nalaman naman nila sa guard kung saan ito nagtungo kaya sinundan nila ito. Sa Villa Luna Subdivision sa harapan ng dati nilang tahanan na nakapinid ngayon bakas ang pinagdaanang trahedya ay naabutan nila ang isang dalagang nakatalikod at matamang […]
-
Terorismo sa Pinas, bumaba na
IPINAGMALAKI ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon. Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]