• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERO SUGATAN SA PULIS

SUGATAN ang isang 27-anyos na construction worker matapos makipagbarilan sa pulis na sumita sa kanya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang suspek na si Kenneth Bryan Gelito ng 2938 A. Bonifacio St. Pag-asa, Brgy. 175.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, naganap ang insidente alas-9:20 ng gabi sa kahabaan ng T. Alonzo St. habang ang mga operatiba ng Intelligence Section ay nagsasagawa ng covert operation sa lugar kung saan laganap umano ang operasyon ng video karera.

 

Napansin ng isa sa mga operatiba na si Pat. Raymundo Sulit, Jr. si Gelito na kahina-hinala kaya’t sinita niya ito subalit, nagalit ang suspek at nagbanta sa pulis na hintayin siya at agad siyang babalik.

 

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Gelito na armado ng “sumpak” at pinaputukan si Pat. Sulit subalit, hindi tumama na naging dahilan upang gumanti ng putok ang pulis at tinamaan sa kanang paa at hinlalato ang suspek.

 

Gayunman, nagawang makatakas ng suspek at naiwan ang kanyang baril sa lugar subalit, sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay agad naman siyang nasakote. (Richard Mesa)

Other News
  • Nasimulan at ipinaglalaban ni Cong. ALFRED, ipagpapatuloy ni Konsehal PM

    NAGSUMITE na ng Certificate of Candidacy ang kapatid ni Congressman Alfred Vargas na si Konsehal PM Vargas sa pagka-kongresista ng 5th District ng Quezon City nitong Lunes, Oktubre 4.     Sinamahan ni Alfred ang kapatid at masayang-masaya niyang ibinalita na lahat ng sinimulan niya sa kanilang distrito ay ipagpapatuloy ni PM.     Aniya, “I […]

  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]

  • Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid

    Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito.   Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng […]