• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects tiklo sa drug bust sa Caloocan

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, Acting Chief of Police ng Caloocan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities nina alyas ‘Totong’ at alyas ‘Dogong’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa mga ito.

 

 

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong ala-1:04 ng madaling araw sa Corinthians St., Brgy., 177.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P47,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P6,000 boodle money.

 

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

Other News
  • Rehab ng MRT 3 train-cars tapos na

    NATAPOS  ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang rehab ng mga train cars ng nasabing rail line kung kaya’t makakaa sana ang mga pasahero ng pagbabago sa train availability nito.       Dumating na ang final set ng 72 train-cars ng MRT na ginawa sa maintenance yard nito. Dahil dito buo at tapos […]

  • Ads November 18, 2020

  • Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa

    PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.     Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas. […]