2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City.
Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (NPD-DSOU), humingi sa kanila ng tulong si Mark Joshua Bauit, 25, customs broker at residente ng 517 Extremadura St. Brgy. 434, Sampaloc, Manila matapos makatanggap ng pagbabanta mula sa mga suspek na siya at kanyang pamilya ay kabilang sa mga target na papatayin.
Humihingi umano ang mga suspek ng P5 milyon cash kay Bauit para hindi isama ang kanyang pangalan sa target list at binigyan ng hanggang alas-2:10 ng madaling araw noong February 23, 2022 para ibigay ang pera sa kanila sa kanto ng Rizal Avenue Ext. at 5th Avenue sa Caloocan City.
Agad bumuo ng team si Col. Dimaandal sa pamumuno ni P/Capt. Melito Pabon, kasama ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng NCRPO saka ikinasa ang entrapment operation kontra sa mga suspek.
Nang iabot ni Bauit ang marked money na tatlong tunay na P1,000 bills na may kasamang boodle money sa mga suspek na sakay sa magkahiwalay na itim na Ford Ranger at isang motorsiklo ay agad silang inaresto ng mga pulis.
Kinilala ni NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo ang naarestong mga suspek na sina Justine Brizuela, 31, consultant ng 759 Maria Sudafed st. Brgy San Antonio Valley 1, Parañaque City at Mark Anthony Teves, 32 ng Blk 17 lot 14 Daffodil st. Molino Park Homes Queens Row West Molino Bacoor, Cavite.
Ani Hidalgo, nakumpiska ng mga operatiba ng DSOU sa mga suspek ang tatlong cellphones, marked money na ginamit sa entrapme nt operation at mga sasakyan na gamit nila sa masamang gawain. (Richard Mesa)
-
Ads August 5, 2021
-
Oust Marcos plot, ‘hallucination’- Roque
SINABI ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “hallucination” lang ang napaulat na planong pagpapatalsik di umano ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto. Ang pahayag na ito ni Roque ay tugon sa ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes III na dahil sa imbestigasyon ng […]
-
De Lima positibo sa COVID-19, nagkasintomas ‘matapos court hearings’
TINAMAAN na rin ng kinatatakutang COVID-19 si dating Sen. Leila de Lima, bagay na matagal na raw niyang inaasahang mangyari dahil sa palagiang “siksikang” hearings sa korte kaugnay ng hinaharap na mga kaso. “Tested positive yesterday for COVID-19 from both antigen and RT-PCR tests,” sabi ni De Lima sa isang pahayag ngayong Lunes. […]