2% fare commission na kinakaltas ng Grab sa TNVS drivers, walang alam ang LTFRB
- Published on December 17, 2022
- by @peoplesbalita
WALA umanong alam ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa itinaas na 2 percent fare commission na kinakaltas ng Grab sa mga TNVS drivers na nasa APP ng naturang kumpanya.
Ang itinaas na komisyon ng Grab na kinakaltas sa kita ng TNVS drivers ay sinimulan ng kumpanya noong December 1 ngayong taon.
Ayon sa LTFRB, ang fare adjustment lamang ang pinayagan ng ahensiya para sa mga pampasaherong sasakyan at ang 2 percent fare commission ng Grab sa kita ng TNVS drivers ay kasunduan lamang ng Grab sa kanilang mga TNVS partners.
Sa ginanap na pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ng LTFRB na sila ang nagreregulate ng fare matrix ng lahat ng pampasaherong sasakyan ngunit ang 2% fare commission na kinukuha ng Grab sa kita ng TNVS drivers ay internal agreement ng mga ito.
Kaugnay nito, nagalit naman si Congresswoman Francisca Castro (ACT) sa representative ng Grab dahil hindi nito maipaliwanag sa panel kung magkano ang mawawala sa kanilang kita kung hindi na ikakaltas sa kita ng TNVS drivers ang itinaas na 2% commission ng Grab sa mga ito.
Kinuwestyon din ni Castro kung bakit nagpadala ng representative ang Grab sa pagdinig ng Kongreso gayung wala itong maipahayag na sagot sa kanilang mga tanong.
Hiniling nito sa komite na isubpoena ang executive ng Grab upang ito mismo ang magpaliwanag ng kanilang quiry hinggil sa reklamo ng mga drivers sa sobrang taas nang kinakaltas na komisyon ng Grab sa kanilang kita bilang driver ng TNVS.
Sa hearing , sinabi ni Jun de Leon ng Laban ng TNVS na dahil sa itinaas na 2 percent na komisyon ng Grab sa kita ng mga TNVS drivers, may 12 hanggang 16 oras nang nagmamaneho ang mga driver para lamang kumita sa kada pasada.
Niliwanag naman ni Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela partylist na matagal nang isyu at problema ang tungkol dito kayat napapanahon na ito ay maaksiyonan na ng mga kinauukulan.Inerekomenda naman ni Congressman Gustavo Tambunting sa komite na kung ayaw magpunta ng Grab executives sa subpoena ng Kamara ay mas mabuting desisyunan na ang paglalapat ng kaukulang aksyon laban dito. (Daris Jose)
-
MOA para sa mga bagong scholar ng Navotas
PUMIRMA ng memorandum of agreement si Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisyaryo ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025, kabilang ang dalawang guro sa pampublikong paaralan. (Richard Mesa)
-
Gobyerno, target ang 300,000 ektaryang lupain na mapagkalooban ng irigasyon sa termino ni PBBM
TINATAYANG 300,000 ektarya ang nais abutin ng National Irrigation Administration (NIA) na mabiyayaan ng irigasyon na lupain sa buong termino ng administrasyong Marcos. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership. Ani Guillen, […]
-
1st WNBL Draft 2021 idaraos sa Pebrero 7
NAKAHANDA na ang lahat para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2021 sa darating na Linggo, Pebrero 7. Mga kasalukuyan at dating kasapi ng Gilas Pilipinas o national women basketball team ang mga manguna at tiyak na maging top picks ds virtual event habang sinisimulan ng mga koponan ang proseso […]