2 football club officials kulong sa stadium crush sa Indonesia
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
Pagkakakulong ang naging hatol sa dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.
Naganap ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.
Nakitaan umano ng korte sa Indonesia ang organizers ng home club na Arena FC na guilty sa criminal negligence na naging sanhi ng kamatayan ng maraming katao.
Si Abdul Harris ang chairman ng home club organizing committee ay hinatulang makulong ng 18 buwan, habang nag security officer ng club na si Suko Sutrisno ay nahatulang makulong lamang ng isang taon.
Base sa ginawang pagsisiyat ng korte, bigo ang mga opisyal na maglagay ng anumang safety measures na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming fans.
Dismayado naman ang mga pamilya ng biktima ang hatol dahil unang inirekomenda ng piskalya na makulong ang mga respondents ng hanggang anim na taon. (CARD)
-
KIM, posibleng makalaban ni SHARON sa pagka-Best Actress sa next awards season ayon sa netizens
ANG Halloween presentation ng Reality Multi Media Studios at Viva Films na Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa 2021. Ibang-iba nga ito sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending. Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo […]
-
Ads June 16, 2022
-
Senado, Kamara ikinasa preparasyon sa impeach trial
ININSPEKSYON ni House Secretary Reginald Velasco ang session hall ng Senado na pagdarausan ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sinamahan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. si Velasco sa pag-inspeksiyon sa setup sa session hall ng Senado bilang paghahanda sa paglilitis. Ayon kay Bantug, nais ng Kamara na tingnan ang ginagawang paghahanda upang matiyak […]