• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 16th, 2023

Ads March 16, 2023

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

adsmar_162023

Administrasyon ni PBBM, palalakasin ang mga kababaihan sa pamamagitan ng ICT education, skills training – DICT

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG mga programa ang administrasyong Marcos na naglalayong turuan at paghusayin ang kasanayan ng mga kababaihang Filipina ukol sa information and communications technology (ICT).

 

 

Isang paraan ito upang  mabigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihang Filipina,  ayon kay Patricia Nicole Uy, head executive assistant (HEA) ng Kalihim ng  Department of Information and Communications Technology (DICT), tumayong kinatawan ng 67th session ng  United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) sa New York.

 

 

Sa isang kalatas sa idinaos na  UNCSW67 Interactive Dialogue with Youth Representatives on the Priority Theme, sinabi ni Uy na nakompleto kamakailan ng Pilipinas ang  first-ever national survey na naglalayong makalikha ng baseline data ukol sa “access, use at skills” ng mga kababaihan sa ICT.

 

 

“It identified where women are currently underrepresented in the ICT sector and tailor our efforts accordingly. We also launched the Digital Innovation for Women Advancement Program,” ani Uy sabay sabing noong nakaraang taon, nagsanay ang pamahalaan ng 94,000 kababaihan sa 1,100 capability development activities gaya ng web at software development, blockchain at  cybersecurity.

 

 

“As we move forward, we will continue to work to ensure that everyone, regardless of their circumstances, has access to the opportunities that digitalization can offer. With a focus on inclusivity and accountability, we hope to continue to serve the Filipino youth and women by empowering them in this new digital world,” dagdag na pahayag ni Uy.

 

 

At para ma-improve ang digital literacy, sinabi ni Uy na ang  DICT ay ng-aalok ng ICT training, programming para sa mga bata, physical at online learning platforms at cybersecurity certifications at maging ang pagpapasa, pag-aabot o pagbibigay ng laptops at tablets.

 

 

Sa kabila ng napakalaking benepisyo ng digitalisasyon, madalas na hindi ito nagagamit lalo na sa mga bansang may mababang antas ng  digital literacy.

 

 

Binigyang halimbawa ni Uy ang Pilipinas kung saan mayroong 82.7% ng populasyon ang mayroong Facebook account, tanging 8% lamang ng mga Filipino na may edad na  15 pataas ang  mayroong basic ICT skills.

 

 

“Those exposed to social media at a young age tend to follow trends blindly, due to the ‘Fear Of Missing Out’ which usually leads to personal data being collected without their knowledge,” ayon kay Uy.

 

 

“Therefore, it is crucial not only to provide access to technology but also to educate users on how to use it safely and responsibly,” dagdag na wika ni Uy.

 

 

Tinukoy pa ni Uy na may  53.7% ng Filipino Facebook users ay mga kababaihan at “at a higher risk of experiencing various forms of abuse” gaya ng sexual harassment at cyberbullying, pinagtibay ang kahalagahan ng pagpo-promote ng “safe at inclusive digital spaces.”

 

 

Samantala, ang United Nations Observance ng IWD, sa ilalim ng  temang “DigitALL: Innovation and technology for gender equality”, kinikilala at ipinagdiriwang ang tagumpay ng mga kababaihan  pagdating sa pagsusulong ng “transformative technology at digital education.”

 

 

“The observance explores the impact of the digital gender gap on widening economic and social inequalities, and it will also spotlight the importance of protecting the rights of women and girls in digital spaces and addressing online and ICT-facilitated gender-based violence.,” ayon sa ulat. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Dahil nasa crucial age pa ang anak na si Night: RYZA, nahihirapang umalis kaya inaral kung paano tumakas

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NEXT chapter na ang pitong taong relasyon nina Ejay Falcon at Jana Roxas.

 

 

Pero ayon kay Ejay, sa March 25 na nga ang kasal nila at sa may Taguig nila ito gagawin.

 

Kahit na Bise-Gobernardor ng Mindoro, sa Manila na raw nila piniling magpakasal.

 

 

Ayon dito, “Mahihirapan kasi kapag ‘yung mga galing ng Manila ang pupunta ng Mindoro. Kakailanganin din na sumakay pa ng barko. ‘Yung mga taga-Mindoro naman, okay sa kanila na sa Manila, excited silang magpunta.”

 

Hindi muna nagbanggit ng mga pangalan si Ejay sa mga napili nilang ninong at ninang sa kasal, gayundin sa mga entourage. Ang sabi niya lang, “May mga sponsors na galing sa public servant, meron din mga artista rin. May mga abay rin po ako na naka-work dati.”

 

Pero ang sinigurado nito, si Joseph Marco ay isa sa mga abay niya. At ‘di malayong ang mga kaibigan din n’ya na sina Jake Cuenca at Aljur Abrenica.

 

 

***

 

 

“MEDYO,” pa rin ang natatawang sagot ni Ryza Cenon nang tanungin namin kung full blast na ang pagbabalik niyang muli sa pag-arte.

 

Halos tatlong taon din siyang masasabing namahinga at nag-focus sa pagpapalaki ng kanyang anak sa partner na si Miguel Cruz na si Night.

 

 

Pero sey niya rin, “Papunta na po do’n. Kasi, sinimulan sa mga guesting muna. Kasi nga, medyo ‘yung age kasi ni Night, medyo crucial pa. Ang hirap pang tumakas, so medyo nakikipaglaban ka talaga sa kanya.

 

“So, ang hirap umalis ng bahay kapag gano’n ang situation. Pero ngayon, medyo naaaral ko na kung paano tumakas. Ha ha ha! Nama-master ko na siya.”

 

Ngayong mommy na siya, magkakaroon na siya ng mga limitasyon?

 

“Well, sabi ko nga po sa interview, hindi naman limitation pero depende sa story. Kung hinihingi ng istorya na magpa-sexy ka, bakit hindi naman?

 

 

“Like sa ‘Manananggal’, hinihingi ng istorya. Hindi siya makakapag-transform kung hindi siya magma-masturbate, so gagawin ko siya kasi kailangan.

 

“Pero ‘yung pa-sexy lang talaga, tapos walang istorya, ay, pass na po ako ro’n,” sey niya.

 

Sa isang banda, palabas na sa mga sinehan ang “Kunwari… Mahal Kita” na pelikula niya with Joseph Marco at may bago siyang teleserye, ang “Kurdapya” ng TV5.

(ROSE GARCIA)

DOTr gusto ibaba sa P9 minimum na pasahe sa jeep

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IMINUNGKAHI ng Department of Transportation (DOTr) ang ilang diskwento sa pamasahe ng mga pampublikong transportasyon gaya ng jeep, bus at UV Express — pero pansamantala lang ito kapalit ng pagtanggal ng “Libreng Sakay” sa EDSA Carousel.

 

 

Martes nang ibalita ito ng GMA News, bagay na base raw sa memorandum ng DOTr sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board.

 

 

“Pre-pandemic fare matrix will be applied and the provisional fare increases implemented will be covered accordingly by the government,” wika ni Transport Secretary Jaime Bautista sa memo na isinumite kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III.

 

 

Gustong ibaba sa P9 ang minimum na pamasahe, mula sa kasalukuyang P12, sa mga tradisyunal na jeepney habang gusto namang ibaba sa P11 ang ngayo’y P14 minimum sa modern minibuses.

 

 

Tinitingnan ngayon ang P3 hanggang P4 diskwento para sa mga bus habang inaaral pa ang discount fare para sa mga UV Express.

 

 

Ang lahat ng ito ay nangyayari habang nakabinbin pa rin ang posibleng phaseout ng mga tradisyunal na jeepney at UV Express matapos ang Disyembre 2023.

 

 

Matatandaang hininto ng Manibela at Piston ang kanilang tigil-pasada matapos ipangako ng gobyerno na aaralin nila ang posibleng pagrebyu ng PUV modernization program.

 

 

“Ang ikokonsidera dito ay yung mga ruta sa buong bansa na pinakamarami ang pasahero,” sabi naman ni Transport Undersecretary Mark Steven Pastor.

 

 

Sa ngayon, nakikitang ititigil ito kapag naubos na ang P2 bilyong pondo para sana sa service contracting program ng LTFRB para sa 2023. Hindi pa naman tiyak sa ngayon kung kailan ipatutupad ang mga nasabing discounted fares.

Coach Yeng Guiao nananahimik

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA pamantayan ng nakakakilala kay Yeng Guiao, behaved na ang maingay na coach habang minamanduhan ang Team Scottie kontra Team Japeth sa PBA All-Star Game sa Iloilo nitong Linggo.

 

Kinabitan ng mic sa buong first half ang tactician kaya dinig ang bawat salita.

 

“Ang hirap magpigil,” nakangiting bulalas ni Guiao. “Wala tuloy mura.”

 

May isang pagkakataon na nasinghalan niya ang game official.

 

“Ref, All-Star na nga ‘to mali ka pa rin,” singhal niya na umani ng tawa sa mga nakadinig sa City of Passi Arena.

 

Pinapatay ng 4-point shooting ni Paul Lee ang Team Scottie, may sundot pa ang veteran mentor.

 

“Kunin mo si Paul,” ani Guiao kay Mark Barroca nang ipasok kapalit ni Marcio Lassiter. “Tirahin mo, ha.”

 

Nang ipasok muli si Lee, si Kevin Alas naman ang itinoka niya:
“Sa ‘yo ‘yan, tirahin mo.”

 

Nagkaroon ng ilang tsansa ang Team Scottie na tumabla mula sa 4-point line sa final seconds pero ayaw pumasok ng mga tira nina Scottie Thompson at CJ Perez.

 

Masaya lang ang laro, alam ng lahat na nagbibiro ang coach.

 

“Malas!” sigaw ni Guiao pagtunog ng final buzzer ng 140-136 win ng Team Japeth. (CARD)

PH, nakapagtala ng ‘biggest trade deficit’ mula ng nakalipas na 5 buwan

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMAWAK  pa ang trade deficit sa $5.74 billion noong Enero ng kasalukuyang taon matapos na malampasan ng importasyon ang exports ng bansa base sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Ito ang biggest trade deficit mula noong agosto ng nakalipas na taon na nakapagtala ng monthly deficit na $6 billion.

 

 

Tumaas ang trade gap ng bansa sa 27.2% noong Enero kumpara sa pagbaba na naitala noong nakalipas na buwan na 11.9% at pagtaas naman ng 57% noong Enero 2022.

 

 

Bunsod nito, pumalo ang external trade noong Enero sa $16 billion na bumaba ng 2.4%.

 

 

Ayon pa sa data ng PSA ang kabuuang exports sale ng bansa ay umakyat ng $5.23 billion habang ang imports naman ay lumago ng 3.9% na nasa $10.97 billion.

 

 

Ang pangunahing export partners ng bansa ay ang Japan, US, China, Hong Kong, Singapore, Thailand, Korea, Germany, Netherlands at Taiwan habang ang mga import ng bansa ay pangunahing nanggagaling sa China, Indonesia, Jaan, Korea, the US, Singapore, Thailand, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

2 football club officials kulong sa stadium crush sa Indonesia

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pagkakakulong  ang naging  hatol sa dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.

 

Naganap ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.

 

Nakitaan umano ng korte sa Indonesia ang organizers ng home club na Arena FC na guilty sa criminal negligence na naging sanhi ng kamatayan ng maraming katao.

 

Si Abdul Harris ang chairman ng home club organizing committee ay hinatulang makulong ng 18 buwan, habang nag security officer ng club na si Suko Sutrisno ay nahatulang makulong lamang ng isang taon.

 

Base sa ginawang pagsisiyat ng korte, bigo ang mga opisyal na maglagay ng anumang safety measures na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming fans.

 

Dismayado naman ang mga pamilya ng biktima ang hatol dahil unang inirekomenda ng piskalya na makulong ang mga respondents ng hanggang anim na taon. (CARD)

Ilang basic education student, bagsak na grado ang nakuha sa Science at Math

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA ng bagsak na grado sa agham at matematika ang ilang basic education student mula sa  ilang pribadong eskuwelahan na sumali  sa isang assessment na layong masolusyonan ang tinatawag na learning loss.

 

 

Ang learning loss ay ang pagkawala ng kaalaman na karaniwang epekto ng mahabang puwang o matagal na pagkakahinto sa edukasyon ng estudyante.

 

 

Sa katunayan, base sa resulta ng assessment ng Philippine Assesstment for Learning Loss Solutions (PALLS), nakakuha lamang ng average score na 54.1% para sa Science o Agham at 47,5% naman para sa Matematika ang 3,600 Private School G1-12 Students  mula 18 eskuwelahan sa bansa.

 

 

Mas mababa ito sa 60% standard passing score  na itinakda ng DepEd.

 

 

Sa English lamang pumasa ang mga estudyante sa markang 61.5%

 

 

Sa ulat, isinagawa ng University of San Carlos at THAME International School ang pagsusulit sa huling quarter ng 2022.

 

 

Saklaw ang “most essential learning competencies (melcs)” mula third hanggang fourth quarter.

 

 

Nakita rin na mas mababa ang nakuhang marka ng mga nasa mas mataas na grade level.

 

 

Dahil dito, kabilang sa mga rekomendasyon ang pagkakaroon ng detalyadong “periodic at granular assesstment, remediation programs with technology, tv, online support; teacher upskilling at tutor recruitment and training”.

 

 

Tinuran ni  University of San Carlos president Fr. Narciso Celland Jr., “If not addressed collectively, systematically and urgently, learning loss will translate into huge productivity loss and costly economic consequences. It is therefore, hoped that through this initiative, USC and Thames International  will find like-minded individuals  and groups who will partner with us in crafting  and putting in place intervention programs that will put a stop to learning loss and turn it to learning boost.”

 

 

Kinatigan naman ito ng Coordinating Council of  Private Educational Associations (COCOPEA).

 

 

Sinabi ni COCOPEA Legal Counsel Atty. Kristine Carmina Manaog, na mayroong learning crisis issue sa bansa.

 

 

Winika ni Manaog na masyadong teknikal ang science at math at mismong mga guro ay pinag-aaralan ng mabuti para epektibo ring maituro sa mga estudyante.

 

 

Samantala, aminado naman ang DepEd na talagang may learning loss kaya ilulunsad na ang ilang national programs na tutugon dito.

 

 

“Ang priority natin ngayon ay talagang learning recovery. meron tayong mga programs  na nais  ma-roll out ngayong taon. Those are the national programs. National Reading Program, National Math Program, and National Science Program. Kina-craft na iyang ating Currriculum and Teaching Strand at the moment and, of course, with consultation dyan sa mga experts.” ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd.

 

 

Subalit ang pangmatagalang solusyon ng departamento ay ang mga pagbabagong ipatutupad sa Curriculum ng K to 12 program dahil kailangang maglaan ng mas mahabang oras sa pagbabasa at pagbibilang na pundasyon ng mga estudyante para hindi sila mahirapan pagtuntong sa susunod na grade level. (Daris Jose)

Grab driver isinelda sa pangmomolestiya sa dalagita

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 25-anyos na Grab driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 17-anyos na dalagita sa Navotas City.

 

 

Sa ulat na natanggap ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente ng kahalayan sa tirahan ng dinakip na suspek sa Ablola St. Brgy. Tangos South habang mahimbing na natutulog ang biktimang itinago sa pangalang “Ligaya”.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ni Pat. Jenelyn Kiblong ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), katabing natutulog ng biktima ang kanyang kasintahan sa loob ng nasabing bahay nang dumating ang suspek.

 

 

Dito, nagising ang dalagita nang maramdaman na may humihimas na kamay sa kanyang maselan parte ng katawan habang ang isa niyang kamay na naramdamang nasa kaselanan naman ng inakala niyang kasintahan.

 

 

Nang imulat niya ang kanyang mata, nagulat siya dahil hindi ang kamay ng kasintahan ang humihimas sa kanyang kaselanan habang nakalagay naman ang kanyang kamay sa loob ng short pants ng suspek.

 

 

Nagsumbong ang dalagita sa kanyang kasintahan at kanilang kinompronta ang suspek bago humingi ng tulong kina Carlos Pabriga at Efren Delos Reyes, kapwa Barangay Tanod ng Brgy. Tangos South na nagresulta sa pagkakadakip sa Grab driver.

 

 

Nasa kustodiya na ng Navotas Police WCPD ang suspek na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610. (Richard Mesa)

NU undefeated pa rin sa Men’s Volleyball

Posted on: March 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ibagsak ang unang dalawang set, bumalik ang National University Bulldogs para manatiling walang talo sa UAAP Season 85 Men’s Volleyball Tournament, 22-25, 22-25, 25-14 25-22, 15-6, laban sa University of the East noong Linggo sa PhilSports Arena.

 

Si Congolese rookie Obed Mukaba ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa walong pag-atake, siyam na block, at isang service ace para sa NU, na ngayon ay nasa 5-0.

 

“I’m very thankful na kahit down kami ng two sets, we still managed to win. Credit also goes to my players who, despite encountering some issues with their performance on the court, were able to bounce back,” ani NU coach Dante Alinsunurin, na ang koponan ay nakagawa ng napakalaking 38 errors.

 

Sa paghabol ng apat na puntos sa pambungad na frame, 14-18, ang Red Warriors ay nagpasiklab ng 6-1 rally upang ibahin ang takbo ng laro at makakuha ng manipis na isang puntos na kalamangan matapos ang isang service ace mula sa team captain na si Ralph Ryan Imperial.

 

Si Kenneth Roi Culabat ay nagpako ng back-to-back off-the-block hits para selyuhan ang unang set para sa Sampaloc-based squad.

 

Nagsagawa ang UE ng panibagong come-from-behind win sa ikalawang set sa likod nina Lloyd Josafat at Imperial.

 

Ang three-peat-seeking NU ay nabuhay sa ikatlong frame at nakagawa ng 8-3 cushion matapos ang crosscourt attack ni Leo Aringo Jr.

 

Pinamunuan ang Bulldogs ni  Alinsunurin na nagtala ng 14 na atake sa ikatlong set kumpara sa anim ng Red Warriors upang palawigin ang laban.

 

 

Sa kanilang malinis na rekord, ang Bulldogs ay humiwalay sa huli sa ika-apat na set, kung saan umiskor si Mukaba ng back-to-back kills upang pilitin ang isang deciding set.

 

Tinapakan ng NU ang gas pedal sa fifth set para kumpletuhin ang reverse sweep at palawigin ang kanilang winning streak sa 23 laro, mula pa noong Season 81.

 

Umakyat ang Red Warriors sa 2-2 matapos ang dalawang sunod na pagkatalo at  susubukang makabangon laban sa FEU Tamaraws sa Miyerkules.

 

Sa kabilang banda, sisikapin ng NU na mapanatili ang walang kapintasan nitong rekord sa pagsagupa nila sa DLSU Green Spikers sa susunod na Sabado. (CARD)