2 HOLDAPER, TIMBOG SA MPD
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
BINITBIT ng Manila Police ang dalawang hinihinalang holdaper nang maaresto matapos na nambiktima sa isang service crew ng Mang Inasal sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon.
Kasong Robbery (Hold-up) sa ilalim ng Art. 293 of the RPC, R.A. 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions Law) at llegal Possession of Deadly Weapon ang isinampa laban sa mga naarestong suspek na sina Benito Peralta, 25, binata, isang tricycle driver at Jericho Bernardo, 22 kapwa residente ng Pandacan Manila dahil sa reklamo ni Nerisa Drece, 24, dalaga ng 1386 D. Bugos St., Paco, Manila.
Sa ulat ni Corporal Alexis Ambrocio ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Apacible panulukan ng Romualdez St., Paco kung saan naglalakad habang papatawid ito sa Apacible St., sa kahabaan ng Taft Ave., habang gumagamit ng kanyang cellphone nang lumitaw ang suspek, tinutukan ito ng bail at nagdeklara ng holdap at sinabihang ibigay ang kanyang cellphone na Samsung A21s na nagkakahalaga ng P9,990 at ang kanyang bag na naglalaman ng personal na mga gamit bago sumakay sa kanilang get away na motorsiklo.
Hinabol ng biktima ang mga suspek kasabay ng pagsigaw habang humihingi ng tulong kung saan napansin ng mga operatiba ng Paz PCP na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Narekober sa mga suspek ang isang kalibre ng baril, ice pick at tricycle na Kawasaki Barako 175. (GENE ADSUARA)
-
LTO Chief, pinaiimbestigahan ang buong araw na aberya sa LTMS na nakaapekto sa libu-libong kliyente sa buong bansa
IPINAG-UTOS agad ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang masusing imbestigasyon kaugnay sa aberya ng online platform ng ahensya noong Miyerkules Oktubre 30, na nakaapekto sa libu-libong kliyente sa buong bansa. “On behalf of the men and women of the LTO, I apologize for the service […]
-
Pinas, kailangan na maging maingat sa kaso ni Mary Jane Veloso – Malakanyang
ISUSULONG ng gobyerno ng Pilipinas ang deliberasyon sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Filipino worker na nasa death row ng 12 taon sa Indonesia dahil sa kasong illegal na droga. Tugon ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nang tanungin kung bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Veloso na nananatiling nakakulong sa […]
-
Clarkson desididong lumaro sa 2023 FIBA World cup
Desidido si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro bilang local player kasama ang Gilas Pilipinas sa presithiyosong 2023 FIBA World Cup. Mismong si Clarkson na ang nagkumpirma na buo ang puso nitong maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa naturang world meet na itataguyod ng Pilipinas kasama ang co-hosts na […]