2 HULI SA AKTONG IBINEBENTA ANG TINANGAY NA MOTOR
- Published on April 29, 2022
- by @peoplesbalita
ISINELDA ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang kanilang tinangay na motor sa Navotas City sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Maj. Jessie Misal, hepe ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) ang mga naarestong suspek na sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Manila at Jamire Saavedra, 18 ng NBBS, Dagat-dagatan, Navotas City.
Sa ulat ni Maj. Misal kay NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz, ipinarada ng biktimang hindi na pinangalanan ang kanyang Yamaha Nmax sa harapan ng kanyang bahay sa Blk 36 Lot 18, Phase A2 Tumana, Navotas City dakong ala-1 ng Martes ng hapon at nagulat na lamang siya nang pagalabas niya ay nakita ang dalawang suspek na nakasakay na sa kanyang motorsiklo at mabilis na tumakas.
Kaagad nagsuplong sa pulisya ang biktima hanggang makatanggap siya ng tawag mula sa isang alyas “Icay” kaugnay sa pagbebenta ng mga suspek sa kanyang motorsiklo sa isang tindahan sa Port Area.
Inireport niya ito sa DACU kaya’t kaagad nakipag-koordnasyon si Maj. Misal kay P/Lt, Abdurahman Abdula ng Baseco Police Community Precinct (PCP) 4 ng Manila Police District (MPD) na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek alas-11 ng gabi sa isang tindahan sa Brgy. 650 Port Area, Manila at pagkakabawi sa tinangay nilang motorsiklo. (Richard Mesa)
-
PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA
LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button. Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]
-
Ads June 5, 2024
-
Department of Health , nakapagtala ng 593 na kaso ng chikungunya
NAKAPAG-ULAT ang Department of Health (DOH) ng halos 600 kaso ng chikungunya sa buong bansa. Ang pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH ay nagpakita na mayroong 593 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 3. Ang bilang ay 566 porsyento na mas mataas kaysa sa 89 na kaso ng chikungunya […]