• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 INARESTO SA PROSTITUSYON, 9 NA KABABAIHAN, NI-RESCUE NG NBI

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division  (NBI-CCD) sa General Mariano Alvarez, Cavite  ang dalawang indibidwal na nag-aalok ng sex workers  sa dalawang kababaihan sa pamamagitan ng social media  

 

 

Kinilala ang mga naaresto na si Rodel Miranda y Canoy, alias Gigzo at Jesus Manuel Genio y Bustamante, alias, Buboy.

 

 

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa dalawa mula  sa  isang confidential informant sa isang social media account na GIGZO ANAP REYES (Gigzo)  na sangkot ang mga ito sa human trafficking ng mga kabataan at nakatatanda. dahilan upang magsagawa ng surveillance ang NBI-CCD kung saan nadiskubre na ang nasabing social account  ay nagpo-post ng mga litrato ng kababaihan at nag-aalok ng sexual services.

 

 

Sa pamamagitan ng isang undercover agent, nakipag-ugnayan ito sa Gigzo gamit ang social media account hinggil sa serbisyo na inaalok nila.

 

 

Noong March 6, dinala ni Gigzo ang mga babae sa isang apartelle sa GMA, Cavite na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto kabilang ang kanyang kasama  matapos tanggapin ang bayad.

 

 

Sa pagkakaaresto sa dalawang suspek, na-rescue din ng NBI ang siyam na kababaihan na ngayon ay nasa kustodiya ng DSWD Social Workers.

 

 

Kasong paglabag sa R.A. 9208, in relation to R.A. 10175 ang isinampa laban sa kanila. GENE ADSUARA

Other News
  • ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

    AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.     Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang […]

  • Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año

    Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]

  • PBBM, ipinag-utos ang pagbibigay ng insentibo, rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno

    IPINAG-UTOS  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive na may  uniform rate na hindi lalagpas sa  P20,000 para sa  executive department personnel.     Nagpalabas ang Pangulo ng administrative orders  na naglalayong magbigay ng  service recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado  sa executive department at […]